"Here's the result, Attorney," sabi pa ng doktor sabay abot ng folder na kinalalagyan ng resulta ng tests. Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra habang nakaupo sa kama niya. Katabi niya si Alejandro na tahimik lang na hawak-hawak ang papeles. Binabasa nito ang papel sa pamamagitan ng kaniyang mata. Seryoso itong nakahawak sa papel na sinisipat naman ni Cassandra. Alejandro in the other hand is clinching his jaw while reading the statement written. "It saids, that the baby was not yours, attorney." Pahayag pa ng doktor na ikinalaglag ng kamay ni Cassandra mula sa pagkakahawak sa braso ng binata. Napaawang ang bibig niya, at halatang maiiyak na. "So it means...kay...kay..Jerick 'to?" nanginginig ang boses ni Cassandra. Maging si Alejandro'y tahimik lang na nagdaramdam, ngunit ay

