Chapter 50

1668 Words

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." Sabi pa ng pari sa oras na iyon na noo'y hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ni Don Ejercito. Nasa may pangpang sila para isaboy sa kahanginan ang abo ng yumaong matanda. Napagdesisyonan nila na doon ito ilagay dahil alam nilang iyon ang paboritong lugar ng matanda. Doon ito nagpapalipas ng oras habang tinitingnan ang bukang-liwayway at dapit-hapon ng bayan. Nakahawak sa braso ni Alejandro si Cassandra na tahimik na umiiyak. Suot nila ang mga itim na kasuotan, tanda na nagluluksa sila sa pagkamatay ng ginoo. Naroroon ang lahat ng trabahante at piling kakilala. Ramdam nila ang paghihinagpis nito, hindi sila iniwan ng mga ito simula pa sa umpisa. Buo ang suporta ng mga taga-San Luisita sa kanilang lahat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD