Nakalabas na si Cassandra sa hospital, kasama niya si Alejandro ngayon habang sakay sa sasakyan. Papunta sila ngayon sa simbahan para magdasal. Magpapa-schedule na rin kasi sila sa kanilang nalalapit na kasal. "Alejandro," tawag pa ni Cassandra sa katabing binata. Nakahawak ito sa manibela ng sasakyan. "Yes?" tipid na sinipat ni Alejandro ang gawi niya. Ngumiti si Cassandra at nagsalita. "Salamat ah, kasi nariyan ka sa lahat ng oras na kailangan kita. Alejandro smiled. "Anytime for you, baby." Sabi pa nito saka pa lumiko sa kalapit na kanto. Mayamaya pa ay narating na nila ang simbahan ng San Luisita. Magkasabay silang bumaba at tinungo ang pintuan ng simbahan. Nag-sign of the cross pa sila bago umupo sa may gilid. Taimtim na nagdasal si Cassandra sa oras na iyon, pinagdarasal niya

