Naging masaya ang buong linggo nina Cassandra at Alejandro dahil sa mga kapatid nito. Nagkaroon sila ng oras na maglibang at mag-bonding sa bayan ng San Luisita. Naligo sila sa kalapit na dagat doon at nagpicnic sa malawak na lupain ng Monteverde. Nanguha rin sila ng mga prutas, nagpunta sa sakahan, at nilibot ang bayan. Naging magkasundo sina Cassandra at ang limang babaeng kapatid ni Alejandro. Pareho sila ng istilo sa mga fashion, mga food trip at maging sa mga hilig na gawain ni Cassandra, ang pagluluto. Maraming silang natutunan kay Cassandra, gayundin si Cassandra sa bawat isa nila. Natutunan ni Cassandra kay Chonelle ang kahalagahan ng pag-iimbak o food processing, gumawa sila ng pickles at green olive na inimbak sa babasaging container. Maganda ito para sa mga side dish at tuyong

