Nagising si Alejandro na wala sa tabi si Cassandra. Napabalikwas siya at napalinga sa kinasisidlang tent. There's nothing but an empty space at ang tinuping unan at balabal na ginawang kumot nito kagabi. Ginapangan siya ng takot at kaba. "Cassandra?" tawag pa niya saka pa bumangon at binuksan ang zipper ng tent. Nabungaran niya sa labas sina Aika at Chonelle. Maaga itong nagising, nakaupo ito sa likod ng sasakyan habang nagka-kape. "Good morning, kuya." Sabi pa ni Chonelle. "Kape ka kuya oh," sabi pa ni Aika na inalok ang mug niya. Umiling lang si Alejandro at nilinga ang paligid. "Nasaan si Cassandra?" Sabi pa niya rito. Umiling sina Chonelle. "We don't know, ngayon lang kami nagising." Sabi pa ni Chonelle. "Where's Ada?" Natanong ulit ni Alejandro. "Natutulog pa sila sa tent, mat

