Two weeks na lang ang hinihintay nina Alejandro at Cassandra para maisagawa ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Minabuti nila Alejandro na ihanda ang mga kinakailangang papeles at ipasa iyon sa simbahan. Madali lang naman itong naaprobahan. Kaya nga ngayon ay ang pinag-uukulan nila ay ang pictorial nila at pre-nup coverage na kukunan sa Isla Mercedes na malapit lang sa San Luisita. Dahil malapit si Alejandro sa mga kababayan at iilang kakilala ay wala namang naging hadlang sa balak nito. Actually, papunta na sila sa isla that time, kasabay nina Alejandro ang grupo ng videographer at make-up artist para sa gagawin nilang shooting. Mag-aalas kwatro na sa oras na iyon, and mostly ang balak nilang maabutan sana ay ang napakagandang sunset. Sakay sila sa sasakyan that time, while ho

