Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick. Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu. Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga. Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iy

