Chapter 55 *Saycie* Habang hinihintay namin si Kara ay may nakita akong isang babae na naglalakad dito sa hospital. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya. She’s wearing a dark red short skirt na kalahati ng hita niya ang nakikita. Nakasuot din siya ng white spaghetti strap na fit na fit sa kaniya. Labas din ang bilugan niyang dibdib. Nakasuot pa siya ng sunglasses and matching with a black high heels. Umaalingawngaw ang ingay ng takong ng sapatos niya dahil sa paglalakad niya. Akala mo rumarampa. Ang buhok niya ay sinasadya niya pa yatang iwagayway. Pinagtitinginan din siya ng mga tao. Pero hindi niya ‘yon pinapansin. Pinagmasdan ko siyang maigi. Kinabahan ako bigla nang mapagtanto kong si Aileen pala siya. Lumingon siya sa dereksyon namin at huminto. Binaba niya ang eyeglasses at napa-O

