WARNING! MATURE CONTENT! RATED SPG! 18+ KUNG SENSITIVE KA SA GANITONG EKSENA, YOU BETTER SKIP THIS CHAPTER. Chapter 57 *Saycie* Habang naghahanap kami ni Zack sa daan ay may nakita kaming babae na may dalang bata. Nagmamadali siya sa paglalakad at parang balisa. Kumalabog ang dibdib ko nang makita kong si Angelo ‘yon! Si Angelo ang dala niyang bata. “ZACK! SI ANGELO!” Malakas kong wika sa kaniya sabay turo sa babaeng may dalang bata. Nakasuot pa siya ng uniform ng maid. Siya rin ‘yong babaeng nakita sa CCTV. Si Aileen! Mabilis na sinundan ni Zack si Aileen at hinarang ang sasakyan sa harap niya. Si Aileen nga. Nang makita niya kami ay nagtangka pa siyang tumakbo. Agad akong bumaba. Si Zack ay mabilis na bumaba at hinabol si Aileen. Mabilis akong sumunod. Ang nasa isip ko lang ngayon

