Chapter 30 *Liam* Kasalukuyan akong nanunuod ng tv nang makatanggap ng text mula kay Aileen. “Nakapasok na ‘ko,” text ni Aileen. Agad kong pinatay ang tv. Gusto kong makasiguro na hindi siya papalpak kaya nagmadali akong naligo at nagbihis. Pupunta ako kina Saycie para tignan kung ano ang mga plano ni Aileen. At sempre, gusto ko ring makita si Saycie. I miss her already. Pagkatapos gumayak ay kinuha ko ang susi ng kotse. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground area kung saan naka-parking ang sasakyan ko. Pagkarating sa ground area ay sumakay ako sa kotse at agad na nagmaneho. Hindi na ako nag-text kay Aileen at kay Saycie. Dumaan muna ako saglit sa bilihan ng mga bulaklak na palagi kong ginagawa tuwing dadalawin ko si Saycie. Ngumiti sa akin ang tindera ng mga bulaklak nang mak

