"ANO BANG lugar 'to? Bakit mo ako dinala dito?" naiinis na sabi ko kay Jako habang nakatayo sa harapan niya. He just smiled at me. "Because I want you to stay here with me." Bumuga ako ng hangin at umiling sa kaniyang sagot. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Where in hell did he get the idea of me staying here with him? It's an isolated island for Pete's sake. "Ibalik mo ako sa manila, Jako." Tinitigan ko siya nang masama. Pero sa halip na payagan akong bumalik, ay marahan niya akong iginiya patalikod sa kaniya. He chuckled. "I'll show you something." Nang malapit na kami sa pinto ng malaking bahay kung saan niya ako dinala ay bumungad sa akin ang isang kalmadong dagat at ang araw na papasibol pa lamang. I gulped hard as the beauty in front of me makes me calm and realize how mor

