DARREN: PAGDATING namin ng Baguio City, tumuloy kami sa hotel kung saan nakapag-book si Chesca. Ang Veniz hotel na popular sa Baguio at nasa sentro lang ito ng syudad. Inabot din kami ng limang oras sa byahe kaya tanghalian na nang makarating kami dito. "Wow, this place looks nice, Daddy!" bulalas ni Jarren na nakadungaw sa ibaba namin. Napangiti ako na nilapitan ito. Inayos naman ni Chesca ang mga damit namin sa closet. "And the weather is so cold. Ang sarap naman po dito," bulalas pa nito na napahalukipkip. Natawa naman akong niyakap ito na nakadungaw sa ibaba namin dito sa balcony. "Did you like here?" "Opo!" "Ngayon ka lang ba nakapunta dito, anak?" tanong ko pa na ikinatango nito. "Nasa unit lang po kami palagi ni Lola Airen eh. Ayaw po ni Mommy na lumalabas kami. Maga

