CHESCA: HINDI ako makasagot sa tanong nito. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang ginawa ng kambal ko kasabwat ang ina niya? Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat kahit alam kong magagalit siya at damay ang Nanay niya? Parang napakasakim ko naman no'n kung magsusumbong ako sa kanya kahit alam kong masusuklam siya sa kanyang ina. Tatlong dekada din silang nagkahiwalay. Tatlong dekadang nangulila sila sa isa't-isa lalo na si Ate Airen. Kung kay Kelsey ay kaya ko pa. Pero ang madamay si Ate Airen? Hindi ko kaya. Mapait akong napangiti na tumulo ang luhang nag-iwas ng tingin dito. Hindi ko matagalan ang tiim ng pagkakatitig nito. Knowing him, alam kong binabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko. Sakto namang umiyak na si baby Precious sa crib nito na ikinatayo kong nilapitan ito. Dama kong naka

