Chapter 7 "You better leave," bungad ko nang makita ang taong pinakaaayawan ko. "You are not welcome here." Nasa labas ito ng kwarto ni Chuck nang dumating kami. Hindi siya makapasok dahil kabilin-bilinan namin ni Mamita sa mga bodyguards na huwag basta magpapapasok ng hindi kilala. Pansin ko ang inis na nararamdaman ni Clint habang pinagmamasdan ang kaharap naming lalaki. "Guards," wika ni Clint sa mga guwardiya. "Pakitapon siya sa labas. He is not allowed here." Tumalima naman ang mga ito. "Kaibigan ko si Chuck at kaya ako naririto para kumustahin siya." "Really, Zid?" Tinaasan ko ito ng kilay. "As far as I know hindi mo itinuring na kaibigan si Chuck. I know you are just here to gather some information about him. Well, to tell you frankly, maayos ang kalagayan niya. And next time, a

