Chapter 7 - Katelyn's POV: First time in Mint Bar

2192 Words
Kinikilig pa si Rose sa pinapanood naming mga nakaraang seasons ng Singles. Kras daw niya `yong lalaking may eight-packed abs. Ako? Kinikilabutan na naasiwa sa mga clips. Anggara n`ong may totoong kiss sa lips! Hindi naman siguro ipapagawa sa amin `yan. Sana hindi! “Sis, gusto ko kamo mag-audition diyan. Ha ha! Kaso wala akong ganda. Imagine makikilala mo ang iyong Prince Charming sa reality show. Tapos magiging sikat kayo.” “Tapos? Maraming sasawsaw sa buhay niyo? `Yon ang gusto mo?” “Gusto ko lang naman mag-vlog kapag may jowa na ako. Ha ha!” kaswal niyang sagot. “Tapos marami ang makakapanood ng mga couple goals namin. Yiiiee! Kilig!” “Ang relasyon para sa dalawang tao lang. Bakit gusto mong napapanood ng iba?” “KJ mo. `Yon na ang uso ngayon, Tih. I-vlog ang relasyon para maging basehan ng ibang tao. Lalo kapag very compatible kayo? Bakit hindi mo i-share `di ba? Kapupulutan pa ng aral ng iba. Duh!” “Ekis pa rin sa akin.” Pinag-krus ko ang mga braso ko. “Kapag jowa keep in lowkey. Ganoon dapat!” “Ay naku, Tih. Huwag kang papakasigurado. Minsan dahil sa love, nagagawa natin ang mga bagay-bagay na sa hinagap natin ay hindi nating maimagine na gagawin natin.” “Tulad ng?” “Pagse-send ng nudes. Ha ha ha! Joke lang! ha ha!” “T4ngina ka! `Yang bibig mo!” Anglutong ng pagpalo ko sa braso niya. “Kababae mong tao, Rose, ha. Ayos-ayusin mo pananalita mo.” Tinawanan lang ako e. “Grabe! Sample lang naman! Ha ha! Huwag seryoso. Ha ha! Teka, bakit ba trip mo panoorin `to?” “Nag-audition ako diyan kanina e.” Walang emosyong kong sagot habang pinanood ng sumunod na clip. Date naman sa pool ang eksena. Okay. Nice. Hindi ko pa ito nasusubukan. “Potangina?! Hindi nga!” Nanlaki pa ang mga mata niya saka tuluyang humarap sa akin. Tinaas pa niya ang paa niya sa sofa. “Kwento. Grabe. Hindi ko akalaing desperada ka na rin. Ha ha!” “Baliw! Hindi ko `yong ginusto no.” Muntik ko nang sabihin ang totoong rason pero naalala ko `yong kasunduhan namin ng babaeng magaling magmanipula ng buhay ng iba. “For a change lang. Saka sayang `yong cash prize. Magagamit naming ni Nanay `yon.” “Walangya ka! De sana sinabihan mo ako. Goals `yon! Pareho tayong sasali. Ha ha!” “May audition pa next week. Try mo.” “Ayoko na pala. Iche-cheer na lang kita. Tapos may text votes pa `yan e. Ako magkakampanya para manalo kayo ng pakner mo! Ha ha!” Tinaas pa niya ang dalawang kamay niya na parang may nakikita sa ere. “Sis, idodominate natin ang text votes. Dapat magmukha kang Cinderella doon. Iyong maantig ang puso ng manonood.” “Para saan? Adik ka ba? Ano `yong fairytale?” Pinalo niya ako sa braso. “Hindi ka updated! Tih, nasa Pilipinas ka. Ang audience nadadala sa back story ng contestant. The more na magmukha kang broken sa ex mo, the more na ishi-ship ka nila sa makakapakner mo sa show. Mananalo ka, Tih! Pramis!” Kahit naman hindi ako manalo may pera pa rin ako. Bonus na lang `yong sa show. Sana talaga tama ang desisyon ko. Abala sa pagluluto si Rose. Kausap ko naman sa selpon si Nanay. Nagtataka daw at hindi kinukulit ng tiyahin ko. “Kinakabahan ako kapag ganito, `Nak. Hindi man lang pumunta dito ang Auntie mo para maningil e.” “Baka bukas e pupunta diyan. Huwag kayong mag-alala, Inang. Hindi mawawala sa atin ang bahay at lupa. Pangako.” “Kinakabahan ako sa sinasabi mo. Baka kung ano-ano na ang sideline mo diyan ha.” “Ha ha! Inang naman! Sige nga ano sa tingin mo?” “Basta `Nak! Huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakapahamak mo. Ikaw lang ang meron ako.” Si Inang naman e! Ganitong oras pa magda-drama. “Inang, `di ba pangarap mong makita ako sa tv?” Sa tuwing sinusuklayan ako ni Inang noon e lagi niyang sinasabi na dapat iko-contest ako sa beatudy pageant na pang-bata e. Kaso wala daw kami pamasahe paluwas noon. “Bakit `Nak? Magda-dancer ka na sa tv? `Yong inaabangan kong palabas sa tanghali?” “Ha ha! Inang naman! Pasasayawin moa ko e parehong saliwa ang mga paa ko!” Kinwento ko nang nag-audition ako sa Singles. Hindi nga ako na-disappoint sa reakasyon niya. Tuwang-tuwa si Inang e. Ipapamalita na daw sa mga kaibigan niya. “Auditions pa lang `yon. Hindi pa sure kung pasado ako.” Kahit alam ko namang formality lang `yong auditions, ayokong sabihin kay Inang. Para mas convincing ang kasunduan namin ni Miss Reyes. “Naku, Kate. Baka naman sungit-sungitan mo `yong makakapareha mo. Kung mabaho ang hininga, huwag mong paprangkahin ha?” “Ha ha! Inang! Anong gagawin ko? Hindi ako hihinga? Mamatay naman ako noon, Inang!” “Ah basta! Kapag may bago kang makikila doon e magbabait ka. Hindi ba’t `yong iyong palaging may nakasunod na camera?” “Wen, Inang! `Yon nga.” “Naku! Dapat ya palagi kang maganda n`on Neneng ko! Palagi ka dapat nakangiti. Alam mong maganda ka kapag nakikita ang dimples mo.” Kapag ganito si Inang, nakakasigurado akong masaya siya. “Inang, paano kapag sinabihang dapat may konting lungkot na makita sa akin? Dapat hindi ako ngingiti.” “Sumimangot ka Neneng ko. Pero siguraduhin mong maganda ka pa rin sa camera. Ano na `yong sinasabi mo lagi? Best angle mo. `Yon para walang maipintas ang mga kamag-anak natin sa`yo.” “Alam niyo, Inang kahit maganda ako sa tv may maipipintas at maipipintas pa rin sila. Parang hindi niyo sila kilala e. Ang importante, ang anak niyo pwedeng makita sa tv.” Nag-usap pa kami ng ilang minute. Pinagkwento ko lang siya nang pinagkwneto sa mga ginawa niya maghapon. --- Nagyaya si Rose na mag-bar. Aayaw pa ba ako kung libre naman niya? Ha ha! Basta sinigurado kong hindi ako gagasots `no. Safety ng wallet first bago ang lahat. Sa Mint Bar kami nagpunta. “Angdaming pwedeng puntahan, dito pa talaga ha? Yayamanin sobra?” biro ko sa kanya pagkababa namin ng taxi. “Tih, pinag-ipunan ko `to ha? Very member ng mga mayayaman ang madalas magpunta dito. Aba! Minsan try naman natin.” “Gaga. Baka may pa-member pa diyan bago makapasok.” Akala ko naman mayroon talaga. ID lang tinignan. Mukha ba akong minor? I’ll take that as a compliment! Ha ha! Sa mini bar kami tumatambay. Ganda naman dito. Lakas din maka-conyo ng mga naririnig kong nagchichikahan. Mga estudyante pa yata sila. Eighteen above? Hehe. Baka nga mga rich kids ang nandito tapos gumagamit ng pekeng ID o kaya malakas sa may-ari nitong bar. Mga tipikal na rich and brats! Ine-enjoy ni Rose ang gabi. Nakikipagsayaw na siya sa dancefloor. At dahil nag-eenjoy siya, resposibilidad ko namang hindi uminom nang marami para may pang-uwi kami. I know her too well! Kapag walwal, walwal nang matindi! Hihirit pa `yan pagkauwi. Onti-ontiin ko lang `tong drinks ko. Marunong naman akong mandaya e. Basta dapat nakikita ko pa si Rose. Okay. Nasa-sight ko pa ang presence niya. Magselpon-selpon muna ako. Maglalaro na lang ako nitong snake sa kumakain ng mansanas at orange. Classic pero colored. Hehhe. “Miss 215?” Nag-angat ako ng tingin. Shocks! Nag-vibrate ang phone ko. Deds `yong snake! Kainis naman! Exit game! Binalikan ko ng pansin `tong lalaking— Teka! Siya si koya sa audtion kanina. Lumapad ang ngiti niya. “Sabi ko na ikaw e! Nice to see you here.” “Nice to see you din.” Nilahad niya ang kamay niya. “By the way, Innu ang name ko. Pang-third beses na nating pagkikita. I guess, it’s about time we introduce ourselves?” Politely, tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Katelyn.” First name basis lang. Huwag na apilyedo. Ha ha! “Nice to meet you, Katelyn. Relaxing after audition?” umorder siya ng drinks sa bar tender bago naupo paharap sa dance floor. “This place is really nice.” “Medyo. Nakaka-stress kasi `yong audition kanina.” Natawa pa siya e. Isa siguro `to sa mga taong matutuwa sa kamalasan ng iba. Wala naman akong joke! Bakit siya smiling face? Anglabo niyang kausap. “I think you have an edge naman sa ibang girls.” Edge? Iyong may kontrata akong pinirmahan. `Yon ang edge ko. Diyos! Pero sa ibang factors tulad ng kagandahan? Wala ako sa siko nong iba `don. “Edge ka diyan. Balakubak lang nila ako kung tutuusin ng ibang girls doon. May beauty queen pa doon `di ba?” “Yeah. But I’m sure isa ka sa mapipili talaga.” Tinaas pa niya ang kanang kamay niya. “Promise. Cross my heart.” “Sige. Magpapabola ako sa`yo ngayon gabi. Paniniwalaan ko `yan.” “Wala kang kasama dito?” “Meron.” Tinuro ko si Rose. “Nagpa-party pa siya.” “Don’t you want to dance?” “Ha ha! Ayoko! Okay na ako dito. Painom-inom lang.” Hindi kami nag-uusap ni Innu. Halata naman bored siya e. Panay lang ang kibit sa selpon niya. “Bored ka na `no? Aminin! Ha ha! Pwede ka namang magparty-party din.” Sabi ko dito. “Tuod ka na diyan. Ha ha!” “Nah. I’m okay here. Gusto ko lang rin mag-relax kaya ako tumambay dito.” “Weh? Di nga? Parang hindi ako naniniwala.” Natatawa kong sagot. “Parang, ano e…” “Parang I look like I’m looking for a date or something?” “Mismo! Tumpak! Plangak! Get up mo pa lang. Parang you’re here for business.” Sinong magre-relax lang ang naka-dress to kill with open buttons na polo at kuntudo wake up like this ang buhok pero panay ang brush up? Ha ha! “Huwag ako. Alam na alam mo mga ganyang galawan.” See? Nangiti ang loko! Kitang-kitang buking sa kanyang agenda. “Go na. Don’t worry about me. Kakakilala lang natin kanina. Wala kang responsibilidad sa akin. Ha ha!” “Actually, okay talaga ako dito.” Nagring ang phone niya. Sinasagot naman niya ito agad. Nagtakip pa siya ng kaliwang tainga niya. Baka nabibingi sa lakas rin ng patugtog. “Yeah! Okay!” He taps the table habang kinakausap ang tumawag sa kanya. “Ofcourse, everything is okay. Oo nga. Bye na!” Natatawa niyang kinansel ang tawag saka ininom ang natitirang alak niya.a “Jowa mo `yon `no? Siguro ang sabi mo ‘I’m with friends lang. konting relaxing lang bebe. Uuwi ako nang buo’.” Minuestra ko pang may kausap ako sa selpon ko. “Sus! Ganyan kayong mga lalaki.” “Haha! Hindi ko alam kung gaano kasakit ang experience mo sa lalaki ha? Pero don’t stereotype. Angganda-ganda ng sagot mo kanina tapos judgmental ka naman pala. Bawas puntos.” “Magkaibang sitwasyon. Hindi ako judgmental. Nagsasabi lang ako ng opinyon ko. Duh.” “Whatever. Pero sanay na akong ma-judge kaya okay lang. Let’s drink to that!” Nagcheers kami. Partyng-party pa si Rose. Sige sayaw at inom pa siya. Iyong drinks ko dinagdagan pa ni Innu ng isa. Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Nauna na akong na-tipsy! “Alam mo ba? May hindi ako nasabi kanina! Sa audition! Ha ha!” Shit! May pag-apir-apir na akong nalalaman. Ha ha! Bale close ko na tong si Pare Innu. “Ano naman `yon?” “Ayoko ng mayaman! Haha! `Yong very-very mayaman ha? Ayoko ng mga style nila e.” Dinampot ko ang aking drinks. “Shot muna, P’re.” bottoms up ko na `to. Konti na lang e. Nag-burp ako. Kadiri. Ha ha. “Anong ayaw mo sa mayaman? Buti nga `yon mapo-provide niya ang needs mo.” Winasiwasy ko pa ang kanang kamay ko sa harapan ng mukha niya. “Sssh! Shutap. Basta. Problema ang mga mayayaman. Naiinis ako lalo pag pini-flex nila na kayang-kaya nilang paglaruan kaming mga poorita Mirasol.” “What’s poorita mirasol?!” “B0Bo mo naman. Poor! Mahirap! Dukha. Ha ha!” “Hindi naman lahat ng mayaman ganoon.” “Weeh?” pang-eexagerate ko siyempre. “Sige, pahingi ng isang halimbawa.” May mga dumating na kakilala niya. May kalabuan na rin ang paningin ko dahil sa alak kaya hindi ko maaninag nang maayos. Blurred matindi na ang paningin ko. Shocks! “Boss, water nga.” Request ko sa bar tender. “`Yong nakakalinaw ng paningin ha?” Malakas pa ako sa kalabaw! Hindi ako lasing! Testing nga. Tumayo ako. Ooppsie! Muntik nang matumba. Nahawakan lang ako sa braso ni Innu. “Tenchu, Innu.” Shocks! `Yong tiyan ko may sinasabi! Pati parang nasa lalamunan ko pa ang ininom ko! Nadidighay ako. Pero it’s more than dighay! s**t! Naisuka ko na ang ininom ko! Angsakit sa lalamunan at may lumabas pa sa ilong ko. Buti nakakapit ako kay Innu habang sumusuka. Tanginang alak! Sobrang traydor! “Innu, penge tubig. Please.” “Lasengga.” Iba ang timbre ng boses na `yon! Hindi si Innu ang boses na `yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD