Chapter 17 KATELYN Grabe! Nakakahiya! Angsama ng timing naman kasi nitong period ko! Bumibida sa pool party. Hindi pa naman malaki ang tagos ko pero nakakahiya pa rin! Inhale! Exhale! Huminga nang malalim, self. Buti at iisa pa lang siya na nakakita. Pero teka! Baka nakuha sa video! s**t! Disaster! Nakakahiya `yon! Siguro naman considerate ang mga nag-eedit ng videos na hindi na `yong ipakita. Kakahiyan ko ang nakasalalay. Pati puson ko nagda-drama na rin. Kainis! Second day of period is hell talaga! Nag-alarm na kanina. Mag-prepare na raw for breakfast. Sina Champagne at Audrey ang binanggit na magluluto. Paglabas ko ng kwarto ay siya ring paglabas ni Theodore sa room niya. “Morning.” Bati niya sa akin. “You okay? Parang namumutla ka e.” “Okay lang ako.” Nagrereklamo siya na a

