CHAPTER 1

1663 Words
Huminga nang malalim si Julia nang makalabas siya ng airport. Hinihintay na lang niya nag kotseng ipinadala ng kaniyang ama roon para sunduin siya. Bagama't dama niya ang pagod at antok sa mahabang flight ay mas inunahan naman siya ng excitement na makita at makasamang muli ang kaniyang mga magulang. “Hello, Philippines,” anas niya at nakangiting nilanghap ang mainit na hangin. Ibang-iba iyon sa nakasanayan niya sa New York pero sa Pilipinas naman siya lumaki kaya madali na lang sa kaniya ang mag-adjust. Kahit na dual citizen siya, mas lamang pa rin sa kaniya ang pagiging pinay niya. Ngunit saglit siyang natigilan nang may maalala. “What are you doing here?” tanong ni Julia nang maramdamang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Kahit hindi niya tingnan, alam na niya kung sino iyon. Mula pagkabata ay magkaibigan na silang dalawa ni Rob. Sa kabila ng hindi pagkakasundo ng mga magulang nila sa negosyo, hindi iyon naging hadlang sa magandang samahang nabuo sa kanilang dalawa. She treated Rob as her brother. They shared secrets with each other, as well as their problems and frustrations in life. Iyon bang parang salamin sila ng isa’t isa. Pareho sila ng pinasukang unibersidad sa New York. May magaganda rin namang university sa Pilipinas pero mas gusto niyang malayo siya sa kaniyang mga magulang. Hangga’t kasama kasi siya ng mga ito ay patuloy pa rin ang pagmamanipula ng mga ito. Her dad wanted her to manage the business even without finishing a degree. At iyon naman ang pinakaayaw niya. Ayaw niya na magkaroon ng posisyon sa kompanya dahil lang anak siya ng daddy niya at siya ang magmamana niyon. She wanted to earn everything para sa huli, may matatawag siya na sa kaniya talaga. Dahil may alitan pa rin ang dalawang pamilya, hindi alam ng mga magulang nila na magkasama silang dalawa sa New York. Kahit ang pagkakaibigan nila ni Rob ay hindi rin alam ng mga ito. Ni minsan naman kasi ay hindi naging intresado ang kanilang mga magulang sa mga nagiging kaibigan nila, mga nakikilala nila, dahil ang mahalaga lang para sa mga ito ay ang negosyo at kung paano pa iyon palalaguin. Despite coming from a wealthy family, they grew up independent. Using their savings, they made an investment in a restaurant in New York City until they finally got its full ownership. They usually serve Korean foods and some famous Filipino dishes to the overseas workers. Sila kasi ang madalas nilang customer doon. May mga pumupunta rin namang hindi Filipino at nagugustuhan din ang mga pagkaing in-o-offer nila. Nagpasya silang tumira na lang sa iisang condo unit para magamit pa nila ang savings para sa branch ng JAR Restaurant. Pareho sila ni Rob na nasa huling taon na sa college. Siya sa Culinary Arts, at si Rob naman sa Architecture. When they got the business, si Rob ang nag-design ng restaurant at siya naman ang may ideya sa mga pagkaing nasa menu. “Bakit ganyan ang itsura mo? Napa-trouble ka na naman ba sa prof?” He chuckled. She pouted her lips. “Hindi, ‘no!” “So, bakit nga?” “Para kasing may hindi sinasabi sa akin si Dad. Lately, papaliit na nang papaliit ‘yong allowance na d-in-e-deposit niya sa account ko. I’ve been calling him many times, pero lagi niyang sinasabi na busy siya. Si Mom naman, as usual, laging busy sa social life niya.” Napabuntong hininga siya. Lumapit sa kaniya si Rob at ipinatong ang braso sa balikat niya. “Give him time, baby. Baka marami lang problema sa negosyo, hmm?” Rob kissed her temple and held her closer. Sa ganoong paraan ay medyo gumaan ang pakiramdam niya. “Kain na lang tayo ng ice cream. Here, open your mouth.” Sinamaan niya ito ng tingin. “Isusubo mo sa ‘kin ‘yan, e, may laway mo na ‘yan.” “Tss. Choosy! Kapag hinalikan kita, matitikman mo na rin naman ang laway—” Inis niya itong pinaghahampas ng unan. “You perv! Kahit kailan talaga, Roberto Antonio!” Napangiwi ito nang banggitin niya ang buong pangalan nito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag sa buong pangalan dahil masyado raw iyong tunog makaluma. Actually, his nickname is Ant. Siya lang talaga ang nagbigay dito ng nickname na Rob na nakasanayan na rin ng mga kaibigan nito. “But seriously, makakauwi ka na rin naman sa Pilipinas after we grad. Malalaman mo rin kung ano’ng problema ng daddy mo.” Sa pag-uwi niya ngayon, malalaman na rin niya kung ano nga ba talaga ang itinatago ng kaniyang ama sa kaniya. She already had an idea, pero gusto niyang makasiguro. “Excuse me, ma’am? Kayo po ba si Ma’am Julia Melissa Castillo?” magalang na tanong sa kaniya ng may edad na lalaki. Dahil sa suot nitong uniporme ay nahulaan kaagad niya kung ano ang trabaho nito. Hindi siya kaagad sumagot. Hindi kasi siya sigurado kung ito nga ang susundo sa kaniya. Mahirap na kung basta-basta na lang siyang sasama. Uso pa naman ang kidnap for ransom. Napangiwi ang matanda nang hindi siya magsalita. “Naku! Galing nga pala sa States ito. Hindi pa naman ako marunong mag-Ingles.” Napakamot ito sa ulo. Napabuntong hininga na lang siya at naiiling na kinuha ang cellphone sa kaniyang bag para tawagan ang kaniyang ama. “What’s your name?” tanong niya sa matanda. “Ayan, ma’am. Naiintindihan ko ‘yan. Eduardo po. Eduardo Matias.” Tumango-tango siya at itinuro ang kaniyang maleta. “Pakilagay na lang ho sa trunk.” Gulat itong napatingin sa kaniya. “M-Marunong po kayong mag-Tagalog?” She smiled at him. “Oo naman po. Lumaki po ako rito sa Pilipinas. Hindi lang po ako kaagad sumama sa inyo kanina kasi kailangan din pong mag-ingat.” “Ayos lang po ‘yon, ma’am. Tara na po.” Pinagbuksan siya nito ng upuan at umikot na rin sa driver’s seat. Napakunot ang noo ni Julia pagdating sa mansion. Nasa may gate pa lang ang kotse pero napansin na kaagad niya ang malaking pagbabago roon. Ang dating limang security guard na nagbabantay sa dambuhalang gate, ngayon ay nag-iisa na lang. Kapansin-pansin din ang mga damong bahagya nang nagtataasan sa paligid ng mansion. Sa pagkakaalala niya, nang umalis siya roon, hindi iyon pinababayaan ng kanilang mga hardinero. Malawak kasi ang lawn sa paligid ng mansion dahil doon madalas ginaganap ang mga party o anumang occasion. Pagbaba niya ng kotse, wala ni isang maid ang sumalubong sa kaniya. Si Mang Ed na rin ang nagbuhat ng mga gamit niya patungo sa dati niyang silid. “Julia!” masayang bati ng kanilang mayordoma na si Manang Sid. Maluha-luhang siyang lumapit sa matanda at sumugod ng yakap dito. “Nanay!” aniya at mahigpit itong niyakap. Pinaliguan niya ng halik ang mukha ng matanda. She used to kill Manang Sid “Nanay” dahil mula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kaniya, hanggang sa naging mayordoma na nga ito sa mansion. Nang umalis siya ay hindi na ito masyadong pinakikilos sa bahay, dala na rin ng edad nito kaya ito na lang ang gumagabay sa mga katulong doon. Pero nagtaka siya nang makita ang vacuum cleaner sa puwestong pinanggalingan nito. “You were cleaning, Nanay?” nagtataka niyang tanong dito. Naging mailap ang mga mata nito at kaagad na iniba ang usapan. Lalong nadagdagan ang pagdududa sa isip niya. “Halika na’t ihahatid na kita sa kuwarto mo. Alam mo bang sa lahat ng kuwarto rito’y ‘yong sa ‘yo lang ang hindi nagbago?” patuloy ni Manang Sid sa pagkukuwento habang umaakyat sila sa hagdan. Napakunot ang kaniyang noo. “Bakit po? Ipinaayos na po ba ang mga kuwarto rito?” Muling natahimik ang kanilang mayordoma. Hinayaan na lang niya ito kahit marami na siyang gustong itanong. Maybe she will just spend that day to rest. Napagod din naman siya sa flight niya pauwi sa Pilipinas. Tama nga ang sinabi ni Manang Sid. Walang nagbago sa kaniyang silid. Kompleto pa rin ang mga gamit niya roon at alaga pa rin sa linis. “Maiwan na muna kita rito, hija. Marami pa kasi akong tatapusin sa ibaba. Bumaba ka na lang ‘pag nagutom ka, ha?” masuyo nitong sabi sa kaniya ngunit halata pa rin ang sadya nitong pag-iwas. Malungkot siyang ngumiti. “Okay po, Nanay. Salamat po.” Tumango lang ito at tipid na ngumiti bago lumabas doon nang tahimik. Bumuntong hininga siya at pagal ang katawang humiga sa kama. Kung anuman ang kakaibang nararamdaman niya sa mga tao sa paligid niya, malalaman din niya iyon kung bakit. Hindi na namalayan ni Julia na nakatulog na pala siya makalipas ang ilang minuto. *** Nagising si Julia sa mararahang tapik sa kaniyang balikat. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay tumambad sa kaniya ang mukha ni Manang Sid. “Nanay?” aniya at pupungas-pungas na bumangon. “Oras na para maghapunan, hija. Hinihintay ka na rin ng daddy mo.” Dahil sa narinig at napabalikwas kaagad siya at dali-daling nag-ayos ng sarili. Halos talunin na niya ang hagdan sa pagbaba niya, makita lang kaagad ang kaniyang ama. “Dad!” Kaagad namang tumayo ang kaniyang ama at sinalubong siya ng yakap. “My baby... I missed you. How’s New York?” tanong nito habang nakayakap pa rin sa kaniya. “Everything is fine, Dad. Ikaw po ba? Kumusta kayo rito? Parang nangangayayat ka.” Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kaniyang ama. Halos lumubog na ang mga mata nito dahil siguro sa puyat at kapansin-pansin din ang pangangayayat nito. “Where’s mom?” aniya. “Nagbabakasyon pa sa Palawan. Next week pa ang uwi no’n,” sagot naman ng kaniyang ama. Naningkit ang mga mata niya. “Nag-aaway po ba kayo ni Mommy?” Inalalayan niya sa pag-upo ang daddy niya. Maang itong napatingin sa kaniya at kaagad na umiling. “No. Of course, we’re fine.” Bagama’t hindi kumbinsido sa sinabi nito’y tumango-tango na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD