CHAPTER 4

1115 Words
“So how are you? Magkasama pa rin ba kayong dalawa ni Rob sa States?” usisa ni Laura kay Julia nang ayain siya nito sa isang café. She was her classmate in high school and her best friend as well. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang banggitin nito ang pangalan ng binata. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Paano na lang kaya kung malaman nito ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Rob. Biglang uminit ang kaniyang pisngi. “Hey, natahimik ka? Okay ka lang ba?” untag ni Laura sa kaniya. “Uhh, yeah. Yeah! I’m fine. You want some apple pie? I heard masarap daw ‘yon dito,” pag-iiba niya ng usapan. Para siyang nabunutan ng tinik nang malipat sa pagkain ang usapan nilang dalawa at mukhang nakalimutan na ni Laura ang tanong kanina. Pagkatapos ng bonding nila ni Laura ay bumisita ulit siya sa kompanya. On going na ang liquidation ng assets ng kompanya at anumang araw ay ise-settle na rin nila ang compensation at benefits ng mga empleyado roon. Halos hindi niya matingnan ang kaniyang ama na hindi na makatulog sa kakaisip kung paano maisasalba ang kompanya. Tila may bigat na nakadagan sa dibdib niya nang pumasok sa building. Knowing na anumang oras ay tuluyan nang mawawala sa kanila ang kompanyang pinaghirapan ng kaniyang ama ay lalo siyang nalulungkot. “I am very happy na marunong ka nang mag-manage ng sarili mong business, anak. Alam mo naman siguro na wala na akong maipapamana sa iyo bukod sa ibang properties na regalo sa akin nina Mama at Papa bago sila mawala,” anang kaniyang ama habang nagdi-dinner sa mansion nang gabing iyon. “Dad, I don’t want to talk about inheritance. Buhay pa kayo pero ‘yan na kaagad ang pinag-uusapan natin. Kaya ko na hong buhayin ang sarili ko kaya ayos lang sa akin na ibenta ninyo ang lahat ng properties para lang ma-settle lahat ng obligations ng kompanya. Mas mahalaga ‘yon kesa sa mamanahin ko.” Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Marahil ay hindi sang-ayon sa kaniyang sinabi. “Hayaan mo na lang akong magdesisyon sa bagay na ito, hija. Sige na, kumain na tayo.” Napabuntong hininga na lang siya sa tinuran nito. Pagkatapos nilang kumain ay pumanhik na siya sa kaniyang silid sa ikalawang palapag ng mansion para magpahinga. Nagpasya muna siyang maligo bago matulog. Pagkalabas niya ng banyo ay saka naman tumunog ang cellphone niyang nakalapag sa kama. Her heart suddenly hammered in her chest when she read the name registered on the screen. Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin iyon o hindi pero mukhang walang balak si Rob na huminto sa pagtawag. “Rob,” she answered in a low tone. “Hi! Where are you? Wala ka rito sa condo mo. I thought you were here kaya dito na ako dumiretso after work.” Kaagad siyang napalunok sa sinabi ng binata. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ito naroon. “I’m here with Dad. Can we just talk tomorrow? I’m just really exhausted.” She sighed. “Oh... yeah, sure. I’m sorry kung naistorbo kita. Sunduin kita bukas?” Mariin siyang napapikit. “Okay, fine. Good night, Rob.” “Good night. I miss you.” *** Dismayadong ibinaba ni Rob ang hawak na cellphone matapos makipag-usap kay Julia. He felt a sudden guilt. Mukhang pagod nga ito, samantalang siya, puro pangsarili ang naiisip nang oras na ‘yon. Pagal ang katawang ibinagsak niya ang katawan sa kama. He missed her already. Mula nang may mangyari sa kanila, para bang naging sabik na siya palagi na makita si Julia. Hindi naman siya ganoon noong nasa States pa sila. KINABUKASAN, pagkatapos ni Rob na makipag-usap sa bagong project engineer para sa pagtatayo ng panibagong branch ng restaurant nila sa Manila ay sinundo niya si Julia sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya nito. Sa pagkakaalam kasi niya ay isa iyon sa mga binebenta para makadagdag sa pambayad sa utang ng kompanya para maiwasan ang patong-patong na kasong maaaring isampa sa ama ni Julia, sakaling hindi makabayad. Napangiti siya nang matanaw ang kaibigan na papalabas na ng gate. Nagpalinga-linga ito sa labas para hanapin ang kotse niya kaya agad siyang bumaba para lapitan ito. “Hi, how did it go?” tanong agad niya nang makalapit. Kinuha niya ang mga dala nitong gamit at inilagay sa backseat. Pagbubuksan sana niya ng pinto ang dalaga pero nauna na itong sumakay sa kotse niya. Nakaupo na siya sa driver’s seat pero nanatili pa ring walang imik si Julia sa tabi niya. “Something wrong? You’re too silent,” he asked while driving. “You were at Sanridel a while ago?” Napakunot ang noo niya nang banggitin nito ang restaurant kung saan sila nag-meet ng bagong project engineer na si Regine. “Yeah. I had a meeting with someone.” He couldn’t tell about the new branch yet dahil mag-aalala lang si Julia na hindi ito makatulong sa kaniya. “Nililigawan mo?” Awtomatiko niyang natapakan ang preno at kunot-noong napatingin kay Julia. Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Julia nang mapagtanto ang sinabi. She sounded jealous. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. “Of course not. It was just a business meeting. He’s a project engineer.” Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Julia sa narinig. Bakit nga ba hindi muna siya nagtanong? Napalunok siya nang abutin ni Rob ang kamay niyang nakapantong sa kaniyang hita. “I just met her for business. Sana tinawagan mo ako kanina nang makita mo ‘ko ro’n para naipakilala kita sa kaniya. Look, I know you’re tired already, so… iuuwi muna kita sa condo ko. Is it okay with you?” Bagama’t hindi pa nakakabawi sa pagkapahiya ay marahan na lang siyang tumango. Pagpasok pa lang nila sa unit ni Rob ay sumalubong na kaagad kay Julia ang mabango at pamilyar na amoy doon. It’s his perfume. “Nag-spray ka ba ng perfume mo dito?” May pilyong ngiti namang lumingon sa kaniya si Rob. “Kabisado mo na talaga amoy ko, ah.” She glared at him. “Just kidding.” Naalarma siya nang maglakad si Rob papalapit sa kaniya. “What—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla na lang siya nitong pinangko at dinala sa couch. “Maupo ka lang. Don’t move. Kapag gumalaw ka, hahalikan kita.” Uminit ang magkabilang pisngi ni Julia sa tinuran ng binata. Napalunok siya nang lumuhod ito sa harapan niya at marahang hinubad ang suot niyang pumps. Isinandal ang ulo sa couch at mariing ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang marahang pagpisil ni Rob sa kaliwang paa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD