JULIA was finally discharged from the hospital. Nag-aabang naman si Rob sa labas ng kwarto nito sa ospital. It hurts him na hindi man lang siya pinayagan ni Julia na pumasok sa loob. Mukhang ganoon na lang kalaki ang galit nito sa kaniya. Kung mayroon man siguro siyang dapat ipagpasalamat, ‘yon ay sa bahay pa rin nila uuwi si Julia. Kaya kumakapit siya sa katiting na pag-asang mapapatawad pa siya ng nobya. “Let me drive for you,” aniya nang makalabas ito. Ngunit hindi siya nito pinansin. Dire-diretso lang ito sa paglalakad palabas ng ospital habang sa gilid naman nito ay ang isa sa mga maid nila na bitbit ang mga gamit ni Julia. Mukhang naawa naman sa kaniya ang katulong na kasama ni Julia kaya lumingon ito sa kaniya at sandaling nagsalita. “S-Sir, may susundo na po kay Ma’am Julia

