MASUYONG hinalikan ni Julia sa noo si Jacob na noo’y payapa nang natutulog. Halos hindi na siya makaalis sa silid nito kanina nang iyak ito nang iyak. Mabuti na lang at naisipan niyang dalhin sa garden kanina. Mukhang gusto nito ang hangin doon kaya kaagad itong nakatulog. “Yaya, ‘wag mong iiwanan nang mag-isa si Baby Jacob, ha. Pakibantayan mo nang maayos. May gagawin lang ako,” bilin niya sa katulong. Maayos naman itong mag-alaga pero gusto pa rin niyang makasiguro. Pagbaba niya ng hagdan ay dumiretso na siya sa kitchen para ipagluto ng dinner si Rob. May cook naman sila roon pero mas gusto pa rin niyang siya ang nag-aasikaso sa asawa niya. Mukhang kailangan na talaga niyang masanay sa ganoon. After cooking the dinner, she waited for him in the living area. Inabala muna niya sa pa

