NAG-ANGAT NG TINGIN si Julia nang bumukas ang pinto ng master’s bedroom. Napangiti siya nang makita ang kaniyang asawa. “You had dinner?” tanong niya rito nang lumapit ito para gawaran siya ng halik sa pisngi. “Hindi pa. Busog pa naman ako. Nagpa-deliver kasi ng pizza si Mr. Wade kanina sa site.” “Mom and I talked,” ani Rob habang inilalapag ang macbook nito sa bedside table. Dahil late na itong nakauwi ay nauna na siyang kumain ng dinner kasabay ang ibang maid nila. “What did she say? I’m sure galit pa rin siya sa akin.” There was a disappointment in her voice. “No. I already explained your side. She will always listen to me.” Kinalas nito ang suot an necktie. “She really likes Zhuri.” “How I wish she could like me that way, too.” Pero hindi na niya iyon nagawang isatinig. Ayaw na

