Chapter 2

1512 Words
Tumayo na si Hikari at pumunta sa harapan. Ang kaniyang alon-alon na buhok na hanggang beywang ay sumusunod sa kaniyang paggalaw. Hugis-puso ang kaniyang mukha, katamtaman ang kapal ng kilay, singkit na mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. "Good morning guys!" Ngumiti siya at nagpa-cute sa mga ito. "I'm Hikari Hanazono. Let's be friends," muli siyang ngumiti. "Wow! Ang ganda-ganda pala ni Hikari Hanazono sa personal," papuri ng lalaki na may makapal na salamin sa mata. "Thank you," pilit siyang ngumiti kahit naiirita siya sa lalaki. Mukhang nakakorteng puso ang mga mata ng lahat ng mga kaklase niya, lalaki man o babae. She smirked. For her, they're so pathetic. Bahagyang inalis ni Hikari ang tumatabing na buhok sa kaniyang mukha. Ngumiti siya nang matamis, kagaya ng ibinibigay niya sa mga press. Pumasok siya sa eskuwelahan na iyon dahil nabalitaan niyang mag-aaral na sa regular na eskuwelahan si Ashiya. Gusto niyang makahanap ng paraan para magkahiwalay sina Ashiya at Ryuuji, ang lalaking pinakamamahal niya. Pero syempre, walang dapat makaalam ng totoo niyang ugali. Walang puwedeng makaalam ng gusto niyang mangyari. "Katulad ng alam niyong lahat, I'm a singer/actress ng television and broadcasting company ng pamilya namin." Nakatingin ang lahat sa kaniya. Nagtaas ng kamay ang nerd na nagsalita kanina. "May boyfriend ka na ba?" Nagkunwari siyang nabigla at nahihiya. "Ang totoo? Wala pa." Tumungo siya dahil ayaw niyang makita ng mga ito ang ekspresyon ng kaniyang mukha, naiirita siya at nandidiri sa lalaking nagpapakita ng interes sa kaniya. "Wow! Sa ganda mong iyan, wala pa rin?" Halos sabay-sabay na sabi ng mga lalaki. "Hindi naman. Sobra kayong mambola." Muli siyang ngumiti sa harap ng mga kaklase niya kahit hinuhusgahan niya ang mga ito kanina pa. * * * * Walang mga estudyanteng nakakalat dahil oras ng klase. Gustong umidlip ni Ashiya dahil kanina pa siya inaantok. May nakita siyang malaking puno sa likod ng building nila. Doon na lang niya napagpasyahang magpahinga. Pupunta sana siya roon pero may grupo ng mga babae at lalaki na humarang sa daraanan niya. "Siya ba ang sinasabi mo, babe?" tanong ng lalaking mukhang manyak, nakangisi ito at malagkit na tumingin kay Ashiya. "Siya nga babe! Siya ang sumira sa phone ko at namahiya sa akin!" Yumakap pa ang babae doon sa lalaki. "Huwag kang mag-alala babe, tuturuan ko ng leksyon ang babaeng ito." Humalik pa ang babae sa mga labi ng lalaki. Nakaramdam ng pandidiri si Ashiya sa nasaksihan. Mukhang naglalampungan na daga ang mga ito sa paningin niya. Tiningnan niya ang mga myembro ng grupo ng lalaki. Lima silang lahat at sinimulan siyang palibutan ng mga ito. "Ikaw pala ang namahiya sa girlfriend ko. Sayang! Maganda at sexy ka pa naman." Tiningnan siya nito na para bang hinuhubaran. Sumenyas ito, sinimulan ng mga kasama nito ang pagsugod. Ang lalaking nakasuot ng sumbrero ang biglang sumugod at inambahan si Ashiya ng suntok. Nakailag siya at binigyan niya ito ng karate chop sa leeg. Tulog kaagad! Waring nabigla ang mga lalaki sa ginawa niya. Lalong lumukot ang panget na mukha ng mga ito. Sumugod nang sabay-sabay ang tatlo pero naiiwasan ni Ashiya ang mga suntok at sipa ng mga ito. Sila-silang magkakampi ang nagkakatamaan pero biglang nangialam ang lider at hinawakan siya sa buhok. Sinuntok siya nito sa tiyan. Nanghina siya nang kaunti pero na-head butt niya ito at tinuhod sa sikmura. Nasuntok siya sa panga ng isa sa kanila. Nawalan siya ng balanse kaya napaluhod siya. "Kainis!" puno ng iritasyon ang tinig ni Ashiya. Tatayo sana siya pero bigla siyang binato ng alikabok sa mukha, nalagyan ang mga mata niya. Kahit hirap siyang makakita, pilit niyang binuksan ang kaniyang kanang mata. May hawak na tubo ang lider ng mga lalaki na dala-dala pala nito kanina. Itinaas ng lalaki ang braso nito. Pumikit na lang si Ashiya. Hinintay niya ang pagpalo nito ngunit napansin niyang tila ang tagal... Hanggang sa may narinig siyang nagsalita. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tumingin kay Ryuuji ang lalaking may hawak ng tubo. Mukhang nakilala nito si Ryuuji dahil agad itong natakot. "Master? A... E... Kuwan. Tinuturuan ko lang po ng leksyon ang babaeng iyan. Pinahiya niya po kasi ang girlfriend ko." Nakayuko ang lalaki, isa ito sa bagong myembro sa fraternity nila Ryuuji. "I don't give a damn kung ano ang ginawa niya sa iyo! Alam mo bang fiancé ko 'yang binubugbog niyo?!" Sinapak ni Ryuuji sa panga ang lalaki. "Magsimula na tayo para matapos na," sabat ni Kyle. Nagsimula ang one-sided na bugbugan. Imbes na makisali, tinulungan ni Jeronne na makatayo si Ashiya. Mabilis na tinalo ng grupo ni Ryuuji ang mga lalaki at itinira ang lalaking may hawak ng tubo. Napabitaw ang lalaki sa hawak nito, nanginginig ito habang nakatingin sa magkakaibigan. "You will regret everything you did to her!" Sinipa ito ni Ryuuji sa tiyan. Bagsak! Tumayo ito pero muling tinadyakan ni Ryuuji sa likuran. Hindi na tumayo. Lumapit ang binata rito, sinipa at itinahaya bago tinapakan ito sa dibdib. "Huwag na huwag mo na ulit ipapakita ang panget mong pagmumukha sa akin. Naiintindihan mo?" Tumango lang ang lalaki bago kumaripas ng takbo noong tanggalin ni Ryuuji ang paa sa dibdib nito. Lumapit si Ryuuji kay Ashiya. Tiningnan ng binata ang sitwasyon ng fiancé nito. Marumi ang uniporme ni Ashiya at pinupunasan niya ang kaniyang mukha. Naluluha na ang mga mata niya dahil sa pagkakapuwing. "Okay ka lang ba?" Hinawi ni Ryuuji ang nagulo niyang buhok pero tinabig niya ang kamay nito. "Don't touch me!" Uminit ang ulo ni Ryuuji sa ginawa ni Ashiya. "Aba! Ikaw na nga ang iniligtas, ikaw pa ang masungit? Hindi ka ba tinuruan ng salitang salamat?" Hindi siya sumagot. Nakita niya si Natzume na nanonood lang sa kanila, halata ang pag-aalala sa mukha nito. Napansin din ni Ryuuji si Natzume kaya ang dalaga ang pinagbalingan nito ng init ng ulo. "Ano bang ginagawa mo riyan? Tulungan mo si Ashiya na mag-ayos!" sigaw ng binata. Natakot si Natzume at nagmamadaling lumapit kay Ashiya. Kaya naman maglakad ni Ashiya pero pilit siyang hinahawakan ni Natzume para tulungan na makapunta sa klinika. Noon lang napansin ni Ashiya na nakakalat na ang mga estudyanteng nakita ang mga huling parte ng away kanina. Dahil nga unang araw lang ng klase, syllabus lang ang ibinibigay ng mga professors bago ang early dismissal. "Umalis na tayo," aya ni Ryuuji sa mga kaibigan. Tumango ang mga ito at nagsimulang maglakad sa kabilang direksiyon na pinuntahan nila Ashiya. Nagsimula na ring umalis ang mga usisero na pinagbubulungan ang nangyaring insidente. Ang apat na kalalakihang magkakasamang umalis, kasama si Ashiya, ay binansagang 'Crowned Heirs' o tagapagmana ng mga hari. Lahat sila ay nanggaling sa mayayamang angkan at pinagmamalaki nila ang matibay nilang samahan. Ang bawat pamilya nila ang numero uno sa mga field na pinasok ng mga ito. Si Kyle Villareal, ang tagapagmana ng Villareal Enterprise. Pagmamay-ari ng pamilya nila ang pinakamalaking vineyard sa Europe at rancho sa South America at Australia. Sa grupo, ito ang pinakapasaway at mahilig sa basag ulo. Half Aussie-Half Filipino. Maputi ang balat ng binata na nagiging mamula-mula sa tuwing naaarawan. Almond-shaped brown eyes, medyo makapal ang mga kilay, matangos at manipis ang ilong at bahagyang makapal ang pang-ibabang labi. Si Jeronne Fortalejo, luxury cars at oil company ang negosyo ng pamilya nila. Masungit pa sa babae pero ito ang kanang kamay ni Ryuuji. Tahimik at tila maraming inililihim. Amerikano ang ama nito at Español ang ina. Nasa six feet four inches ang tangkad nito, chestnut brown ang buhok at kulay asul ang mga mata. Si Blake Smith, nanggaling sa isang political clan. Bukod doon, sila din ang may-ari ng BS malls at Maple Hotels na may branches sa buong mundo. Certified babaero! Isang beses lang siya nakikipag-date sa isang babae. Nakukuha kasi nito ang mga babae at iiwan basta na hindi man lang alam ang pangalan ng mga iyon. He's a half Canadian-Filipino that's why he has wavy blonde hair with brown eyes. Manipis ang mga labi na palaging may malanding ngiti at magandang built ng katawan. At ang tumatayong lider, Si Ryuuji Kinimoto. Ang company nila ay kilalang manufacturer ng gadgets. May broadcasting at call center company rin sila sa Pilipinas. Pure Japanese pero nag-migrate sa Pilipinas ang pamilya Kinimoto noong bata pa lamang dahil sa business ventures ng ama. Nasa five feet ten inches ang height, itim ang medyo mahaba niyang buhok, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Sinikap nitong magpalaki ng katawan at nagbunga naman ang apat na taon nitong pagpunta sa gym. Ang malapad na likod ng binata at prominenteng muscles sa tiyan, balikat at binti nito ang resulta. Airline, cruise ships, trains ang negosyo nila Ashiya Daidojie. Sila rin ang may-ari ng pinakamalaking travel agency sa mundo. Dahil nga anim na taon din siyang literal na nakakulong sa Daidojie mansion na puro kasambahay ang kasama at halos hindi na nakikita ang ama, lumaki siyang walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD