PAWIS ang pumapatak mula sa kaniyang mukha. Nang magkakasunod na suntok ang ibinibigay nito sa kaniyang kaibigan na si Nico. Nasa gym sila ngayon upang maibsan ang ilang problema sa kani-kanilang negosyong hinahawakan.
Napaigtad si Nico. Kasunod nang malakas na suntok muli ang iginawad ni Lance sa kaniya.
“Kalma lang, bro. Malayo pa tayo sa exciting part,” ani ni Nico na tila may pagtataka.
Walang ibang kahit na anong reaksʼyon ang bumabalatay sa mukha nito. Bagkus ay isang suntok ang pinakawalan nitong muli sa kaibigan.
“Hey!” wika nito na mabilis naman nakailag. “Whatʼs wrong with you? Huwag mong sabihin na may pinagdadaanan ka? Kilala kita Lance, hindi ka magkakaganyan kung walang bumabagabag sa isipan mo.”
Napaangat ang gilid ng labi nito nang marinig niya ang sinabi ni Nico.
“Mind your own business,” wika nito.
Napangisi na lang ito sa bawat suntok ng kaibigan. Saka muling nagsalita. “Alam mo, kung anong problema mo? Iyong dapat mo naman sabihin at ikʼwento pero kinikimkim mo lang sa dibdib mo.”
“What do you mean?” Matalim na pukol nang tingin nito sa kaibigan.
“I don't know.” Kibit nitong balikat. “Why I need to answer your question? Kahit na alam mo naman ang sagot sa tanong mo.”
“I can't guess what's on your mind, Nico,” paghahamon nitong ani sa kaibigan.
“Okay, fine.” Pagtaas ng dalawa nitong kamay. Tanda na ayaw na niyang mag-usisa pa. “Remember that I told you, na kahit siguro hininga mo ay kilala ko na. Sa ngayon mag-focus ka muna kung saan ka dadalhin ng damdamin mo. But wait there's more, baka maunahan ka ng iba kapag hindi mo binilisan ang kilos mo.”
Halos mapaismid si Lance sa mga salitang naririnig nito. “Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-advice. Ang alam ko lang ay ang magpalipas ka nang oras sa mga babae mong dinaig pa ang tigre, kung makakagat sa ʼyo.”
“Mas okay, na ang may kumakagat sa akin kaysa wala. Hindi naman ako katulad mo, na riyan na ayaw mo pang tikman,” pabirong ani ni Nico.
Malakas na suntok sa braso ni Nico ang pinakawalan ni Lance. Kahit kailan ay hindi talaga siya makakapaglihim sa isang tulad nito. Matapos ng kanilang workout ay dahan-dahan niyang hinubad ang boxing gloves red, saka ito naupo sa isang wooden long chair. Naisipan muna niyang isandal ang kaniyang likod at ipatong ang dalawang braso nito sa kaniyang kinasasandalan. Batid man ang pagod at pawis ay hindi mawari sa kaniyang isipan ang babaeng kaniyang natulungan.
“Makikita ko rin ang mukha nʼya at malalaman ko kung sino sʼya,” sambit nito sa kaniyang isipan habang nakatingala sa taas ng kisame.
Malalim niyang pinakakatitigan ito habang naaalala niya ang mga sandaling kasama niya ang dalaga. Subalit napabalikwas siya nang malamig na dampi ng mineral water, sa kaniyang mukha ang iginawad ni Nico.
“F*ck!” gulat na sambit nitong mura sa kaibigan.
“Sino may sabi sa ʼyo na mag-imagine ka riyan,” pagbibirong wika ni Nico. Saka ito naupo sa kaniyang tabihan. Marahan niyang iniikot ang taklob ng kaniyang inumin. Subalit akmang iinumin na niya ito nang biglang kuhanin ni Lance ang tubig.
“This is your punishment, sa pangingialam sa love life ko.” Saka ito humalakhak nang tawa sa harapan ng kaibigan. At mabilis na nainom ang hawak nitong tubig.
“Your f*cking asshole, Lance!” malakas nitong untag.
“Thatʼs your fault, Nico. Ang dami mo kasing alam sa buhay ko.”
“Hindi ba ganoʼn ka rin naman sa akin. Kulang na lang sabihin mo sa kanila na babaero ako.”
“Itʼs base of what I see. Mabuti nga hindi ka nakahahanap ng katapat mo. Paano na lang kung sabay-sabay mo silang ma-meet sa isang lugar? Ano kaya ang gagawin mo?” pananakot nitong ani.
Tanging biruan sa isa't isa ang namutawi sa kanilang dalawa. Napagpasyahan na lang nilang umuwi sa kani-kanilang bahay.
“Nico!” tawag ni Lance. “Iyong bilin ko sa ʼyo na ayusin mo na ang buhay mo.”
“F*ck you, Lance!” Sabay bukas ng kotse nito. At pag-sign ng daliri nito sa kaniya. “ Don't worry, bro.
I know . . . how to handle of my girls.”
“I hope so!” Taas nitong kilay at matalim na ipinukol sa kaibigan.
“By the way, bro. Could you please introduce me to the girl you like?”
“No . . . I mean never,” ngiti nitong sambit. “Because I would rather not count her among the women you cheat on.”
“Sinabi mo, eh. And besides, kung ayaw mo sʼyang ipakilala sa akin. Ako mismo ang magpapakilala sa kaniya,” pagbabanta nitong wika.
“Subukan mo lang, Nico.”
“Susubukan ko talaga,” paghahamon nito sa matalik na kaibigan. “Eh, ayaw mo ipakilala. So, ako ang gagawa nang way, para makilala ko sʼya.”
Pigil ngiti na lamang ang itinuong ganti ni Lance. Lalo na't nakasisigurado siya na impossibleng makilala ng kaniyang kaibigan ang dalaga. Problema pa niya ay kung saan niya hahanapin ang babae. Matapos niya itong iwan sa isang Coffee Shop. Halos magwala na ang dalaga ng ayaw niya itong iwan sa ganoong lugar. Subalit mas nanaig pa rin ang kagustuhan ng dalaga. Napailing na lang siya sa kaniyang sarili. Nang makita ni Lance ang pag-andar ng sasakyan ni Nico. Saka niya binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse. Ngunit isang tawag ang kaniyang natanggap mula sa isang simbahan. Naalala niya kasi na naroroon si Sister Ara.
“H-hello . . .” ani ni Lance sa kabilang linya ng telepono.
“Hijo . . .” sagot nito. “ Maari ka bang magpunta rito kasi mayroong kaunting salo-salo. At nasabi ko na isa ka sa mga sponsor ng mga batang nag-aaral sa probinsya ng Leyte. Kaya naman g-gusto ka nilang makilala. Higit sa lahat ay makapagpasalamat.”
“Thank you, Sister Ara. Makakaasa po kayong makadadalo po ako sa inyong pagsasalo.”
“Naku, anak. Maraming salamat talaga sa ʼyo. Si Mr. Alejandro Sebastian, ay pwede mo rin bang paunlakan na sumama.”
“Iʼll call him, Sister Ara. But I am not sure, kung makakasama sʼya. Napaka-busy po kasi niyang tao. Lalo na't pagdating sa usaping negosyo.”
Ramdam ni Lance ang sumisilay na tinig na ngiti ng madre. Kaya naman halos mapangiti na rin siya sa aspeto na tinig ni Sister Ara.
“Huwag mong kalilimutan na ipaalala sa kanʼya.”
“Yes, Sister Ara,” ani ni Lance. Kasunod nang pagtunog ng telepono nito sa kabilang linya. Tanda na pinatay na nito ang tawag.
***
“NAKAKA-BADTRIP talaga ang buhay kong ʼto. Kailan ba ako makaliligtas sa ganitong sitwasyon!” sigaw niya na tanging mga puno at ilang kabataan ang nasisilayan niya sa isang community park.
Tila ba hindi man lang niya naranasan ang maging masaya simula noong mawala ang kaniyang magulang.
“Kasalan ko! Kasalanan ko!” Halos saktan na niya ang kaniyang sarili sa sunod-sunod na suntok ang kaniyang binibitawan. “Bakit hindi na lang ako! Please, sana ako na lang . . . Sana ako na lang ang nawala.”
Tanging hagulhol ng iyak ang kaniyang pinakakawalan. Hindi na niya alintana, kung may mga taong nakakarinig sa kanʼya. Ang importante ay mailabas niya ang sama ng loob na kaniyang dinadala.
“Pangako gagawin ko ang lahat makamit ko lang ang mga pangarap ko. Kahit anong hirap at trabaho papasukin ko. Maibsan lang ang buhay na mayroʼn ako ngayon.” Sabay pahid nito ng luha sa kaniyang mga mata.
Halos pugto na ang kaniyang mga mata sa walang humpay pag-iyak.
“Sana kaya kong baguhin ang lahat. Sana panaginip lang ito. Sana hindi ito nangyayari. Sobrang hirap na hirap na ako . . .”
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo ng ilang naglalarong mga bata ang nagpatigil sa kaniyang pag-iyak. Nakikita niya ang bawat ngiti sa mga bata. Habang dala ang cotton candy, na nabili sa isang matandang lalaki.
“Bili na kayo! Masarap at matamis sa buhay na mapait!” hiyaw ng matandang lalaki na naririnig ni Ella. “Cotton Candy, lang ang katapat sa buhay mong sawi.”
Napapangiti si Ella na para bang nawawala ang lungkot sa kaniyang buhay. Napagtanto niya itong puntahan. Kahit na ang masangsang na amoy sa kaniyang katawan ay hindi niya alintana. Nang marating niya ang tindahan ng cotton candy, isang bata ang nagpapukaw ng pansin sa kaniya. Maganda ang mga mata nito na halos kulay asul. Marahan niya itong hinawakan. Sa isip niya ay nasa tatlong taong gulang pa lamang ito. Kulay asul din ang dress na suot nito.
“Hi, baby,” bulong wika ni Ella sa bata.
Napatingin na lamang ito sa kaniya. Subalit nang hahawakan na ni Ella ang nakaipit nitong buhok, ay biglang isang magandang babae ang tumabig sa kaniyang kamay.
“Don't touch my daughter or else I will sue you!” galit nitong untag sa kaniya.
“G-gusto ko lang namn na hawakan ang buhok nʼya,” mautal-utal na ani ni Ella.
“Stay away from my daugther! Hindi mo ba naaamoy ang sarili mo. Umalis ka rito, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga security guard, na nagbabantay rito. Gets mo!”
Walang ibang salita na lumabas sa bibig ni Ella. Tila ba sa isip niya ay tama naman ang babae sa mga sinabi nito sa kaniya. Alam niya na hindi ang katulad nʼya ang papaburan nang kahit sinoman na tao. Amoy pa lang niya ay siguradong lalayuan sʼya.
“Kahit saang sulok na mundo siguro ako magpunta. Ganoʼn at ganoʼn pa rin ang magiging pakitungo ng tao sa akin. Kasalanan ko ba na naging pulubi ako. Ginusto ko ba na maging ganito ang buhay ko. Himala na lang kung mabago pa at may tumulong sa isang katulad ko.”
Sumagi sa isipan ni Ella ang lalaking nagpapabilis nang t***k ng puso nʼya. Ilang beses na niyang sinuntok ang kaniyang dibdib dahil sa kaba na nararamdaman nito. Ngunit tila hindi mawala-wala.
Napaismid ang kaniyang mukha nang maalala niya ang lalaki.
“Bakit ba sʼya sumasagi sa isip ko? Eh, samantalang kagabi. Gusto pa nʼya akong ihatid sa isang condominium, para tulungan nʼya ako. Hmm . . . akala nʼya siguro maiisahan nʼya ako. Hindi ang katulad nʼya ang magugustuhan ko. Ewan ko ba, kung bakit ganoʼn na lang ang pagkaayaw ko sa kanʼya?”
Matapos ang mga katagang lumabas sa kaniyang bibig, ay minabuti niyang magtungo sa isang convenience store. Umagaw nang pansin sa kaniya ang mga pagkain na tila kakaiba sa kaniyang paningin.
“M-may pera pa ako rito. Ano kaya ang masarap na pagkain?” wika nito. Nang masilayan niya ito sa loob.
Mabilis niyang naitulak ang pinto. Subalit isang lalaki ang humarang sa kaniyang harapan.
"Hoy! Sino ka? At bakit pumapasok ka rito? Bawal ang mga katulad mo sa loob ng store na ito!” nang gagalaiting ani ng lalaki. Sabay takip ng ilong nito.
Sumagot naman si Ella. “Ano baʼng problema mo? Bibili lang naman ako nang makakain ko!”
“Kpag hindi ka tumigil. Ipapadakip kita sa mga pulis na naririto!”
“Porket ganito lang ang itsura ko at ang amoy ko. Bawal nang bumili sa convenience store na ʼyan!” galit na sambit ni Ella. Sabay turo ng daliri nito sa lalaking humarang sa kaniya.
“Oo, bawal! Bawal ang mga katulad mong pulubi sa loob. Kaya sige na . . . Alis na!”
“May araw ka rin na lalaki ka!”
“Talagang marami akong araw. Kaya alis na!” nanggagalaiting wika ng security.
“Heto na, oh! Umaalis na nga!”
Sa kabilang kalye na kaniyang kinatatayuan ay napagmasdan niya ang ilang tinapay. Minabuti niyang tumawid kahit na ilang sasakyan ang dumaraan. Ang pagkainis niya sa lalaki ay napalitan nang kasiyahan. Dahan-dahan ang kaniyang paghakbang. Ramdam din ni Ella ang init ng semento nito sa kaniyang talampakan. Hanggang sa mabilis siyang kumaripas nang takbo sa gitna ng kalye. Ngunit hindi niya namalayan ang pagdating ng isang sasakyan. Tanging sunod-sunod na busina lang nito ang kaniyang naririnig. Kaya naman hindi niya inaakala na isang pangyayari ang kaniyang mararanasan. Napaupo siya sa kalagitnaan ng kalye. Nang malakas na preno ng sasakyan ang nagpahinto sa kaniya.
"A-aray!” Paghawak ni Ella sa kanang hita nʼya. “Ano baʼng problema ng taong ʼyon? Hindi ba sʼya marunong mag-drive?”
Naramdaman na lamang ni Ella ang paghawak ng kamay sa kaniyang braso. Kaya naman malakas na hampas ang iginawan nito.
"Huwag mo nga akong hawakan!” matalim na pukol ng kaniyang tingin.
“I-Iʼm sorry,” wika ng lalaki na may paghingi pa nang tawad sa kaniya.
Sasagot na sana sʼya sa lalaki. Nang mamukhaan ni Ella ang lalaking kinaiinisan nʼya.
“S-sandali s-sʼya na naman,” tanging bulong nito. “Sa daming tao sa mundo nang aking makikita. Bakit palaging sʼya? Hmm . . . Sinusundan nʼya ba ako?”
“M-miss, are you okay? G-gusto mo bang dalhin kita sa ospital,” pagmamagandang loob nito sa kanʼya.
“H-huwag na! K-kaya ko na ang sarili ko!”
“But, miss . . .”
Sa halip na sagutin ang lalaki. Pinili na lamang niyang tumayo. Hindi rin naman gaano kasakit ang kaniyang hita. Ngunit mapilit ang binata. Kaya naman kaagad siya nitong hinawakan sa kamay.
“Kung ayaw mong dalhin kita sa ospital. Sana naman tanggapin mo ito.”
Kinuha ng binata ang wallet nito sa loob ng kotse. At saka siya binigyan ng ilang libong pera. Hindi na sana tatangapin ni Ella. Subalit mas kailangan niya iyon para mabago ang kaniyang buhay. Matapos niyang matanggap ay mabilis na siyang nakaripas nang takbo. Palayo sa lalaking halos hilingin na niya na sana ay hindi na ulit ito magpakita sa kanʼya.
“Sana hindi na mag-krus ang ating landas. Nang sa ganoʼn hindi bumibilis ang t***k ng puso ko,” sambit ni Ella habang papalayo siya sa sasakyang kaniyang nasisilayan.