Sinulit ng mga kaibigan ni Hershey ang pagbisita sa kaniya,nilibot ng mga ito ang buong hacienda sa pamamasyal,at nagkayayaan pa na maligo sa beach. Mababakas sa mukha ni hershey ang kasiyahan habang pinagmamasdan ang mga kaibigan na naliligo sa dagat,ang saya-saya ng mga ito parang mga batang naghahabulan at naglalaro't nagtatampisaw sa tubig. "Hindi ka ba naiinggit sa kanila?"tanong ni Blake na tinabihan ang asawa na nakaupo sa mat na inilatag sa buhanginan. Umiling ito. "Bakit naman?"tanong niya kay Blake.. "Kasi hindi ka na nakakasama sa kanila,katulad ngayon ikaw lang ang naiwan dito,habang sila nag-eenjoy" "Bakit hindi ba ako nag-eenjoy?Nag-eenjoy naman ako ah!" Tinitigan ni Blake ang asawa,pakiramdam niya nakaramdam siya ng matinding guilt sa kaniyang dibdib,pakiramdam niya n

