Puno ng paghangang pinagmamasdan ni Hershey ang asawa habang tumutulong ito sa pagbubuhat ng mga manggang nasa kaing sa jeep upang maideliver na sa bayan..ngayon lang siya nakatagpo kasi ng lalake na walang arte sa katawan sa katauhan ni Blake wala itong pakialam kung madumihan man ang suot nitong damit,o pagpawisan man ito.Lalakeng lalake ang dating nito para sa kaniya,Oh my heto na naman siya nakakaramdam ng paghanga ,akala ko ba hindi maaari"sigaw ng utak ni Hershey,eh bakit ngayon masaya siyang pinagmamasdan ang asawa na puno ng paghanga.Haisst...sutil ang kaniyang puso,ayaw talagang magpaawat sa totoong nararamdaman. "I'd like to think I'm the one you've been watching before"nakangiting wika ni Blake sa asawang nakatulala. "Huh" Napakurap-kurap ng mga mata si Hershey hindi niya nap

