"Good Morning" Nakangiting mukha ni Blake ang bumungad kay Hershey sa pagmulat ng kaniyang mga mata.Napaawang ang bibig nito ng mapagtantong nakahiga ito sa kaniyang tabi ,nakatukod ang isang braso sa kama, nakapatong ang ulo nito sa kamay habang nakangiting nakaharap sa kaniya. Muling napatalukbong ng kumot si Hershey anong ginagawa nito..tanong ng kaniyang isip.. bakit ito nakatabi sa kaniya,matagal na ba itong nakatunghay sa kaniya habang natutulog.. "Hey"anito na hinahawi ng isang kamay ang kumot na nakatakip sa mukha ni Hershey. "No"ani Hershey na pilit hinahawakan ang kumot..nakakahiya baka maamoy nito ang kaniyang hininga..amoy panis na laway,..Dyahe!Ngunit ito ang nagtagumpay natanggal nito ang kumot na nakatakip sa mukha bi Hershey.Agad namang tinakpan ni Hershey ng kamay ang

