SPECIAL CHAPTER 2.0 ZIELLA MARIE KALPERON-LEKARPON "Bro, dinamay mo kami sa hirap na dinanas mo para makuha ulit ang loob ni Ziel. Nahirapan akong humanap ng blue roses noon ah! Tapos alergic naman pala si Ziel sa roses, haha. Nahampas pa tuloy sa akin yung roses na binili ko," natatawang sambit ni Azeil. Napataas ang isang kilay ko. Tawang tawa pa s'ya ah. Dinampot ni doggie ang microphone sa tabi niya at sinagot ang kapatid. "I'll return the favor soon enough, don't worry," makahulugang sambit ni doggie. Nagulat pa ako nang maubo-ubo bigla si Aze. Nakuuu sabi ko na nga ba eh, may naaamoy talaga ako. "That's all for now. Congratulations to both of you! Elle is right, bawas-bawasan n'yo ang pag aaway sa maliliit na bagay. May anak na kayo," he said that made me rolled my eyes. A

