CHAPTER THIRTY TWO ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW "Court—W-What?" nanlalaki ang mga matang gulat kong sabi. Tipid niya akong nginitian st tumungo. "Payagan mo sana akong ligawan ka, alam kong masyado na tayong matanda para sa ganitong proseso pero kahit hindi mo ako payagan liligawan pa rin kita," aniya na nakatungo pa rin. Napangiwi ako ro'n. "Eh kung gano'n naman pala bakit mo pa hinihingi permiso kong pashnea ka? Huh?" nakangiwi kong usal at binato siya ng unan na naabot ng kamay ko sa kung saan, agad naman niya iyong inilagan. "Please? Ayan ka na naman sa pagiging sarkastiko mo eh," nakanguso niyang sambit na nakapag patawa sa 'kin. Suddenly I laughed again. Nang ma-realized ay agad akong sumeryosong muli at nag iwas ng tingin. Pereng tenge nemen kase. Bumuntong hining

