CHAPTER SIX

753 Words
CHAPTER SIX ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW "Anong trip to' Ziella Marie?" taas kilay na tanong ni Ielle, narito kami sa kwarto ko sa loob ng bahay namin ni Sinon my labs. "Ang boring ayaw ako payagan lumabas ng king enang si doggie," inis na sagot ko sakanya at nag patuloy sa pag gulong gulong sa kama, she looked at me and rolled her eyes. "At dinadamay mo ko? Eww, bat di nalang kayo mag s*x? Baka sakaling mawala yang pag ka bored mo," sarkastiko nitong sabi, sinamaan ko siya ng tingin ngunit inirapan lamang niya ako kaya naman natawa ako ng bahagya. "Manahimik ka nalang kasi, ayaw kong makipag chugchugan don. Ayaw ko na mag pass out ulit," natatawa kong sabi, sarkastiko niya akong tinawanan bago batuhin ng throw pillow mabilis ko naman iyong inilagan. Like flash. "Alam mo Iella, kaunti nalang ipapaputol ko na iyang dila mo! Anyway, wala kang flight?" Mabilis akong umiling, bago tingnan ang schedule sa phone. Ay meron pala bukas. "King ena ka talaga." "Meron pala bukas, sa Japan one night lang sayang. Sama ka?" nakangiti kong sabi sakaniya, she rolled her eyes. "As if pwede akong umalis, minsan nga mag patingin tayo sa doctor kung may laman ba talaga yang utak mo," pairap nitong sabi, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Aba, pashnea ka ah. Kala mo ikaw may utak eh kaya ka lang naman nakapasa kasi inakit mo professor nyo!" nakangisi kong bato pabalik, binato niya ako ng throw pillows. Aba, nanggugulo na tong babaeng to ah. "Siguraduhin mo lang lilinisin mo lahat ng kinalat mo na yan ah," inis na sabi ko sakaniya, kaya naman agad siyang napatigil sa pag babato ng throw pillow at mangha akong tiningnan. "Kapal ng mukha mo ah, kala mo naman pinaglinis kita sa condo ko kahit puro ka lang kalat don!" sarkastiko niyang sabi, pikon na pikon. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. "Ielle-" napatigil ako sa pag sasalita ng makarinig ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. Sabay kaming napalingon ron, at nag tinginan. Nag tatalo kung sino ang mag bubukas ng pinto. Sino ang magbubukas ng pinto? "Bato bato pick," sabay naming sambit, bato ako at gunting s'ya. Ah talo! " Open the door Ashtherielle," nakangisi kong sambit, sinamaan lamang niya ako ng tingin at tumayo na mula sa kinauupuan patungo sa pinto upang bukasan iyon. Lumingon muna siya sa akin bago tuluyan iyong binuksan. Para kaming tanga, pashnea. "Ay jusko po emre! Hoy Ziella yung asawa mo!" dali dali akong tumayo at nag tungo sa pintuan kung saan naroon si Ielle. Napanganga ako ng literal ng makita ang naka kuno't noong si Sinon na nakatapis lamang sa pang ibaba. Owshii, damn hot! "Uh? Who the hell is that woman darling?" kuno't noo paring tanong ni Doggie, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pag tawag sa akin ng 'darling' dahil rin doon ay malakas na humalakhak ang pashneang si Ashtherielle. "Ewan ko, di ko din nga kilala yan eh. Baka yaya na pinadala nila daddy, o baka naman mag nanakaw," kibit balikat kong sabi, napatigil sa pag halakhak si Ielle kaya naman ako na ang humalakhak ng makita ang reaction n'ya kuno't na kuno't ang noo nito at parang sasabog na sa loob ng ilang segundo. Napatigil lamang ako sa pag tawa ng may bumatok sa akin, sinamaan ko ng tingin si Ielle ngunit umirap lamang ito. "You two is impossible," inis na sabi ni doggie bago kami tinalikuran ni Ielle, sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto at isinara ang pinto bago humalakhak ng malakas. "Pota, asawa mo yon? Mala mafia boss ang datingan ng king ena," humalakhak paring sambit ni Ielle. "Hindi ko asawa yon, pashnea ka." "Duh! Itatanggi mo pa! May pa darling darling pa nga kayo eh!Kadiri, gagamit nalang din ng endearment korni pa. Kadiri ka Ziella Marie eww!" parang diring diri siyang unti unting lumayo sa akin, sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi niya pinansin iyon at mataray na tinalikuran na lamang ako. "Buwiset ka talagang pashneang doggie ka," inis na bulong ko aa aking sarili. "Hoy aba Ziella Marie, baka gusto mong pag meryendahi man lang ako?" pairap na salubong sa akin ni Ielle ng sundan ko siya sa mini sala sa loob ng kwarto ko. Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano ka gold? Kumuha ka mag isa mo, hindi ka donya dito Ashtherielle aba hindi ka baldado," taas kilay kong sabi, inis naman niya akong tiningnan bago nahiga na lamang sa couch. *** ~kenma
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD