ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW “Uhm... Zie, ” Kuno't noo kong idinilat ang aking nga mata ng sa pang apa't napong beses na pag gising sa akin ng tinig na iyon. Nasilayan ko ang angelic na mukha ni Milih kaya naman sinampal ko siya ng malakas hanggang sa dumugo ang mukha n'ya— charot! “Bakit?” kuno't noo at naniningkit ang mga mata kong tanong, napakamot siya sa batok at umayos ng tayo. “Ano kasi, ang sabi ni Captain gisingin daw kita kasi sabay kayong kakain sa room n'ya,” kamo't batok niyang sagot, mas lalo lamang nitong napa kuno't ang noo ko. Ano na naman kaya ang trip ng lalaking iyon? May part sa'kin na gusto ng mag madaling tumayo pero may part sa'kin na ayaw ipahalatang na e-excite ako lalo na at nasa harapan ko pa si Milih. “Sige salamat,” walang gana kong sambit at sak

