ZIELLA MARIE KALPERON POINT OF VIEW "Truth or dare?" nakangising tanong ni Cali the clown kay Ielle. Please choose truth Ielle, for safer. "Truth," sagot ni Ielle. Napa -yes! ako sa loob loob ko at nanatili sa pag mamatyag sa mga susunod na pangyayari. "May feelings ka pa ba para sa boyfriend ko?" malditang tanong ni Cali the clown . Agad na napataas ang isang kilay ko. At mas lalo pa iyong tumaas nang agad na sumagot ng deretso si Ielle. "Oo." "Ha! Sinasabi ko na nga ba ang lakas ng loob mo!" sigaw ni Cali the clown at dinuro pa si Ielle. Tatayo na sana ako nang mag salita na si Ielle! "Mas malakas ang loob mo. Alam mong condo ko ito tapos pumunta ka pa dito? Anong gusto mong ipagmalaki bukod d'yan sa make up mo na sa sobrang kapal nag mukha ka ng clown," matapang na sagot ni Iel

