Chapter 26 HOPE ANDREW "PILIIN mo 'yong taong handang hawakan ang kamay mo sa kahit na anong sitwasyon. 'Yong taong handa kang ipaglaban. 'Yong taong paulit-ulit kang pipiliin kahit ilang beses na siyang nasaktan. 'Yong taong sasamahan ka hanggang sa huli." Napa-iling ako na may mapait na ngiti sa labi. "Kalokohan." Sabi ko nalang saka lumabas ng 7-eleven. Bumili lang naman ako ng kape tapos 'yong maririnig mo sa radyo puro hugot ng pag-ibig. Napa-hikab ako nang mapagtanto na straight ang duty ko dahil iyon ang ura-uradang request ni Sam sa akin. Isa pa... may mga papers pa na ipa-xerox copy ko. Call center agent ang trabaho ko, at hindi xerox copier. May taga-xerox copier kami sa office. Ako talaga ang pinag-initan ni Sam. Palibhasa kasi broken... sa akin. Tsk! Bakit parang kasa

