Chapter 2

2077 Words
HOPE ANDREW "ONE defeat does not define you." I said while looking at the guy inside the milktea shop. Siya 'yong lalaking binigyan ko ng panyo, at binigyan ng hugot. Ang buong akala ko mapapangiti ko siya, nagkamali ako. Parang mas lalo pa ata siyang nalito. Ngayon lang ako nakakita ng isang lalaking tahimik na lumuluha. I ask him kung umiiyak ba siya. Obvious naman nagtanong pa ako. Minsan hindi rin nag-iisip bago magtanong, e. Bumuntong hininga ako at saka napapailing na nakatitig sa kanya. "Imposible na magkita pa tayo," mahinang sambit ko. "Sa 'yo na 'yang panyo ko." Naglakad na ako palayo sa lugar na iyon. Binigay ko sa kanya ang panyo ko kahit na may sentimental value iyon sa akin. Pero hindi ko na inisip ang value na iyon kung ang kaharap ko nama'y lumuluha. He's too handsome for me to ignore him. Actually, the first time I saw him, I was amazed. Parang naging crush at first sight, ganun. Sa paglalayag ng isip ko hindi ko namalayan na may sumasabay na pala sa aking paglalakad. Bumalik ang wisyo ko nang kabigin ako ni Ate Nena—ang aking trainor sa pagmo-modelo at P.A na rin. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Siya ang dahilan kung bakit naging modelo ako. She pursue my skills, at hindi ko naman iyon inayawan. Actually, nagustuhan at nakahiligan ko na rin hanggang sa ngayon na binata na. "Pasensya na Ate Nena may binili lang ako. Tara na po? Balik na tayo sa area natin." At saka ko siya hinila palayo sa lugar na iyon. Baka kasi isipin niyang iniiwasan ko ang ilang modelong babae para makipagkilala sa akin. Ang totoo, wala naman problema. Ang ayaw ko lang talaga kasi ay 'yong nilalandi ako ng mga ito, at panay ang dikit sa akin. Ayaw na ayaw ko pa naman sa mga babaeng higad. "Bakit ba iniiwasan mo ang mga iyan?" tanong niya habang papasok na kami ng lobby—ang hotel na ini-stayhan namin dito sa Makati. "Paano ka magkaka-jowa niyan kung puro ka iwas?" Agap pa niya at saka siya bumaling sa akin. Nang makita niya ang reaksyon ko, salubong ang mga kilay na naghihintay ng sagot. Nagkibit-balikat ako saka uminom ng milktea. "I hate girls. No. Actually, I like girl na friend but, not a girlfriend." "Ha? Ang gulo mo, Andrew." "In short, ayaw kong magka-jowa ng babae! Basta ganun na 'yon, Ate Nena." Ito na naman siya—mangungulit. Tinitigan ko muna siya habang ina-analys ang mga sinabi ko. Matagal na namin topic ito pero hanggang ngayon hindi pa rin siya maka-move on. "In short, lalaki gusto mo?" "Kapag ayaw sa babae, lalaki kaagad ang gusto? Hindi ba puwedeng ayaw ko lang talaga magka-jowa? Repeater ka din, Ate Nena, e." Napairap ako. Aminado naman ako sa aking sarili kung anong kasarian meron ako. I'm a gay but, it doesn't mean lalaki na kaagad ang gusto ko. Hindi ako katulad ng ibang gay—lalaki kaagad ang gustong jowain. I'm a kind of gay na hindi showy. Lalaki pa rin naman ang pananamit ko, at maging ang kilos/galaw ko. Maliban sa dalawa kong kaibigan—sina Pricess at Mild, ay wala ng may nakaaalam na kabilang ako sa LGBT Community. Sa likod ng guwapong mukha ko, ay may nakatagong lihim na ibang pagkatao. People will judge me when they find out I am gay. Natakot ako sa katotohanang hindi ako matanggap nina Mama at Paps, at maging ang nakatatandang kapatid ko g si Kuya Bright. "ARE you okay, 'Drew? Ang lalim ng iniisip natin, ah?" Tumabi sa 'kin si Ate Nena habang matayog ang iniisip ko. "Can I kept a secret from you, Ate?" wala sa sariling sabi ko habang nasa malayo pa rin ang tanaw. "Sasabihin ko sa 'yo pero umaasa akong hindi mo ipagsasabi kahit kanino." Yes, I trust her, because she's my Ate by heart. Ang tagal na rin namin magkakilala at magkasama sa trabaho, dapat lang na malaman niya ang tungkol sa pagkatao ko. Nagkwento ako. Lumipas ang ilang oras, nakangiting tumingin ako kay Ate Nena. "I can't believe," bumaling siya sa 'kin. "Your secret is safe. Hanga pa rin ako sa 'yo, Andrew. Pero totoo ba 'yong sinabi mo na aalis ka na sa pagmomodelo?" Tumango ako. "Magre-resign din ako sa trabaho ko." "Ha? E, paano ka na niyan? Sayang 'yong offer ng isang TV network, Andrew." Ngumiti ako. "Meron na, hinihintay ko nalang 'yong tawag ni Princess. Kausap ko siya kanina. Saka, sinabi ko naman sa iyo na ayaw ko talagang mag-artista." Nalungkot man si Ate Nena ay nirespito niya pa rin ang mga desisyon ko. Magdamagan ang kwentuhan namin dahil iyon na ang huling pagsasama namin at huling trabaho ko sa kanya. MAAGA ako nagising kinabukasan dahil babalik na kami ng Silang, Cavite. Ito rin ang araw mag-file ako ng resignation letter sa office ng Mayor namin. Kahit anong rason ko'y tatanggapin naman nila dahil Ninong ko ang Mayor ng Silang, Cavite. Si Mayor Andres. Saktong katatapos ko lang maligo nang tumunog ang cell phone ko na iniwan ko sa kama. Si Princess. Magandang balita sana. "Hello, Cess—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Bring all your docs. Now na!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang 'di ko pa na-gets. "Ha? Anong—" Bakit ang hilig sumingit ng babaeng 'to! Hindi niya man lang ako patapusin sa pagsasalita. Loka-loka talaga. "Bakla! Interview mo na kay Samuel ngayon! I mean, si Sir Samue—interviewhin ka." "I-interview?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Oo! As in now na, Andrew!" ISANG araw ang nakalipas nang tinawagan ako ni Princess about sa urgent interview. Hindi 'agad ako pumayag. Reasons; wala akong requirements, hindi ako prepared, at wala akong extrang damit. Medyo badtrip ako kahapon dahil sa, Mew na iyon. "Ano ba'ng minamadali niya?" Napailing ako. Ngayon nakauwi na ako ng Pasong Langka para kumpletuhin ang mga requirements ko. Nagpasa na rin ako kanina ng resignation later sa Mayor's office. Babalik na naman ako Maynila for interview. Sabi sa 'kin ni Princess walang imik 'yong supervisor na kaibigan niya dahil wala naman talaga siyang magagawa kung ayaw kong magpakita kahapon. At ngayong araw din kakausapin ko sina Paps at Mama. Nasa sala sila ngayon at tuwang-tuwa sa pinapanood na thai movie. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko nang sa gayun ay makalabas na talaga ako sa comfort zone ko. "Paps? Mama?" tumabi ako sa kanila. Pumagitna. "M-may sasabihin sana ako sa inyo maliban sa pagluwas ko ng Maynila." Lumamlam ang noto ng boses ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung pa'no sisimulan pero sigurado akong sasabihin ko na sa kanila. "Hope Andrew?" Humarap si Mama sa 'kin at saka niya hinawakan ang kamay ko. Nilalamig at pinagpapawisan ang mga palad ko. "Ano 'yon, Andrew?" Si Paps lang talaga ang tumatawag sa akin sa ganyang pangalan. Mas komportable raw siya diyan. I cleared my throat at saka nagsalita ulit. "May aaminim sana ako sa inyo bago ako aalis ng bahay. Pero pangako po ninyo sa akin na tatanggapin niyo pa rin ako bilang anak ninyo." "Anak? Walang magulang na hindi ka tatanggapin. Kahit ano man 'yan tanggap ka namin at mahal na mahal ka namin ng Papa mo." Salita ni Mama. "Sabihin mo na sa amin kung ano man 'yang bumabagabag diyan sa isipan mo nang mawala na iyan. Kung tungkol iyan sa pag-alis mo sa trabaho, ay walang problema 'yon. Nauunawan namin. Matanda ka na, Andrew para hawakan ka pa namin sa leeg at pigilan 'yang gusto mo, kayo ng Kuya mo Bright." Mahabang salita ni Papa. Timungo muna ako saglit at kaagad din umangat ang mukha. Isa-isa ko silang tiningnan at saka nagsalita. "I'm a gay." Pigil ang hiningal matapos kong sabihin iyon sa kanila. MALALIM na buntong hininga ang ginawa ko at saka dahan-dahan na ibinuga ang hangin sa kawalan. Mayamaya ay naka-ngiti na ako habang nakatanaw ang paningin sa labas ng bintana ng sinasakyan kong bus paluwas ng Maynila. Finally. Nawala ang ngiti ko sa mga labi nang mag-ring ang cellphone ko. Inaasahan kong si Princess ito. Tama nga. Sinagot ko ang tawag. "On the way na, Cess. Pakisabi diyan sa Supervisor ninyo." "Na magiging Terror Manager mo na rin." She laughed. Ang ingay niya talaga. "Whatever. Nga pala sinabi ko na kina Mama at Paps." "OMG! Your parents found out you're gay?" "Yes." Hindi man makita ni Princess ang ngiti ko ay ramdam niya naman ang saya ko ngayon. "You're so brave, Andrew." "I came out of the closet. Sige na, see you later." MATAPOS ang mahabang biyahe tinawagan ko ulit si Princess na nasa isang Island mall na ako. Doon ang meeting place namin dahil hindi ko naman alam ang location ng apartment nila ni Mild. Naghintay ako ng kalahating oras, and finally nagkita din kami. Tuwang-tuwa naman siya dahil sa loob ng anim na buwan na hindi kami nagkita. Ngayon lang kung saan ipapasok niya ako sa trabaho. "Ano? Interview na ba kaagad?" naka-ngiti niyang sabi. "O baka gusto mo munang kumain?" Kinuha niya ang bag pack ko—laptop ang laman no'n. Tumango ako. "Lunch muna, gutom, e. Para may energy akong harapin 'yang lalaking sinasabi mo." Natawa lang sa akin si Princess. Alam naman raw ng Supervisor na susunduin ako, medyo matatagal kami ni Princess makabalik sa working place. Dumiretso kami ng apartment nila ni Mild, at saka kumain na rin. Inabot kami ng dalawang oras bago bumalik sa Fast Call Center Services sa Ortigas. "RELAX, okay? Remember; isang tanong, isang sagot lang. Maiksi pasensya niya at palaging naka-simangot lalo na't bago ka sa kanya." Habilin ni Princess sabay ayos ng aking buhok. "Si Mild?" Iniba ko ang usapan. Pero honestly kanina ko pa hinahanap ang lalaking 'yon. "Mamaya na. Nasa tabi-tabi lang ang lalaking 'yon. Go na. Go straight turn right push the door and say; Good afternoon, Sir." Napairap ako. Daming sinabi ni Princess subalit sinunod ko talaga 'yon. Nang nasa harapan na ako ng pintuan, inayos ko muna ang aking suot. Kumpleto ang mga papers ko. "Good luck, Hope Andrew." At saka ako kumatok ng tatlong beses bago ko pinihit ang doorknob ng pintuan. Nakita ko siya kaagad na abala sa kung anong mga binabasa. Nakayuko siya. "Good afternoon. Sorry if I'm late—you?" Nagulat ako nang makilala ang lalaking kakaangat lang ng mukha niya. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya nga. Pero bakit siya? Siya ba ang sinasabi ni Princess na Supervisor nila? Bakit ang layo ng imahe niya ng huli ko siyang nakita? Ibang-iba ang awra niya ngayon. I cleared my throat. "Here's my papers." Inabot ko 'yon sa kanya black folder nang makalapit siya ng sa 'kin. Pinagtataka ko lang, bakit ayaw niyang tanggapin at seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Gusto kong iwasan ang mga matang iyon pero kailangan kong labanan. "I'm Hope Andrew Sanches." Saka niya pa lang inabot ang black folder ko na may laman na mga papers ko. Medyo awkward dahil ang tahimik niya. Akala ko ba interview 'to? Bakit titigan ang nangyari? Ako na umiwas. Ako na um-adjust. Mamya isa-isa niyang tiningnan ang mga nakapaloob doon at saka siya tumingin sa akin. Humakbang siya papalapit sa akin at saka may ibinulong. "You're pretty interesting." Napahakbang ako paatras dahilan para salubungin ko ang mga mata niya. Napaiwas ako dahil sa kakaibang mga titig niya sa akin. Mamya ay ngumisi siya. "Lust." He said with his husky voice. "Huh?" Inosente kong tanong. "Lust; When you fall for someone's beauty," sinalubong ko ang mga matang nang-aakit. "Am I right?" "M-maybe?" Alanganin kong sagot. Akala ko ba interview 'to? Ba't may ganitong eksina ang itlog na ito sa akin? Ano, gantihan lang? "You're handsome," aniya sabay hakbang paatras at saka niya ako sinipat. "And beautiful, too. Ibig sabihin nito?" He asking me with his charismatic appeal. 'Yong mga ngiti niya sa akin ay may kakaibang kahulugan. Para lang naman sa akin. O sadyang nananadya lang siya. Nang hindi ko sagutin ang tanong niya umiling siya saka humakbang na naman palapit sa akin. Pumantay siya sa aking kinatatayuan at sa hindi ko inaasahan na gagawin niya ay bigla akong nakaramdam ng matinding kuryente sa buong sistema ko. He just snake his arm in my waist and whisper. "Lust," subrang lapit niya pala sa akin. Ang buong akala ko ay tapos na siya pang-aakit nang magsalita siyaulit. "Joke lang." Habol ko ang aking hininga nang alisin niya ang kamay nito sa aking bewang. s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD