Chapter 13 HOPE ANDREW TATLONG araw nalang, at bibigyan na kami ng isang linggong bakasyon. Isang linggong pahinga at isang linggong mag-spend ng yime sa pamilya. Tatlong araw ko na rin hindi nakakausap si Sam. Good to know, at ganun ang nangyari sa amin. Nakakapag-usap lang kami kung tungkol sa trabaho, at pagkatapos nun ay umaalis na kaagad ako. "Parang may mali," pangunang salita ni Princess habang pinapapak ng bread stick. "Umamin ka nga sa 'min, Andrew. May LQ ba kayo ni Sam?" humarap siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Umiling ko Todo deny ang bakla. "Wala. Bakit naman?" "Pansin ko, hindi kasi kayo madalas nagkikibuan. Parang umiiwas ka sa kanya." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakakapagod magpaliwanag. Ayaw ko rin pag-usapan kung ano man ang hitwaan naming dalawa. "

