LALA “HINDI pa ba tayo uuwi?” tanong ko kay Matt pagkababa namin sa kabayo niyang si Calli. Nakailang ikot din kami sa malawak na loob ng Rancho El PARAIZO. At mukhang balak yata niyang sakyan naming lahat ang mga alaga niya. Si Lucca, Thunder at Calli na ang nasakyan namin. May Preciousa at Light pa pero ayoko na. Hindi siya sumagot at naglakad pabalik sa puwesto namin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. “Hoy, kako, hindi pa ba tayo uuwi?” Muling tanong ko. Umupo pa kasi siya sa latag at kumain ng sandwich. “Matt.” “Gusto mo nang umuwi?” Balik-tanong niya matapos ubusin ang kinakaing sandwich. “Mukhang uulan na, e. Baka abutin tayo ng ulan dito,” sagot ko at tumingin sa medyo madilim na langit. Tumingala din siya. “Oo nga, mukhang kailangan na nga nating umalis.”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


