LALA "CADEN, pasensya ka na pero hindi talaga ako makakasama sa iyo ngayong gabi." Sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Like what I've said, I would not accept a no for an answer." Titig na titig na muling sabi nito sa akin. "Caden--" "C'mon, Lala. I just want to be with you tonight." "Pero, Caden, pagod na ako. Gusto ko muna sanang magpahinga." "Hindi naman tayo magtatagal. Kakain lang tayo, then iuuwi rin kita." Hindi tumitigil na pangungulit nito. Isang buntong-hininga naman ang ginawa ko, saka pumayag na rin. Mukhang hindi talaga ito titigil sa pangungulit. "Kukuha lang ako ng jacket ko." Tinalikuran ko na ito at kinuha ang jacket ko sa may ulunan ng kama ko. Napatalon ako sa gulat nang paglingon ko ay bumangga ako sa dibdib ni Caden. "Caden!" Gulat na bulalas ko at uma

