Fhara's POV "Oy, may dapat ba kong malaman?" Tanong ko kay Tara at Zymine. Kasalukuyan akong nakain ng fishball na binili ko kanina kay manang bago kami pumasok. “Wala.” Sabay na sagot nila Tara at Zymine habang padabog na binagsak ang mga bag nila sa upuan. Wala daw? Tsk. Sinong niloko nila? First of all, hindi makapasok ang mga classmates ko dahil sobrang natatakot ata sa aura nitong dalawa.. Para kasi silang nababalutan ng dark aura na ngayon ko lang nakita na nangyari. Ngayon ko lang din sila nakitang nagdabog sa harap ko. Ano bang nangyayari? “Opposite day ba ngayon?” Tanong ko sa kanila pero sinamaan lang nila ko ng tingin. Bad joke, Fhara. "Ah. Siguro dahil absent ang mga lalaki niyo?" Absent kasi ang mga boys. Ang aarte kasi, ayaw daw nilang makita ng

