Chrome’s POV
"Mauna na kayo. Susunod nalang ako." Sabi ni Fhara at sumunod na siya sa ugok na yun.
Naiwan kami at ang grupo nung ugok dito.
"Gangsters pala kayo? Bagong tatag?” Tanong nung lalaking mataas ang buhok at blondie.
Hindi namin sila pinansin at nagsimula ng maglakad ulit papuntang parking lot para dun nalang namin hintayin si Fhara. Dala kasi naming lahat ang mga motor namin.
"Hoy! Kinakausap namin kayo!" Hindi pa rin namin sila pinapansin. Wala kaming panahon sa mga ugok. "Ang angas niyo, ha? Ano bang pinagmamalaki niyo?!" Sabi nung isa pang lalaki.
"Baka, bro, akala nila porket ex nung kaibigan nilang si Fhara si Railei, sasantuhin natin sila." Sabi pa nung isang lalaki. Anim kasi sila, pang pito ang leader nila.
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Ex?
"Huwag na kayo umasa, mga urur! Wala kaming sinasanto! Kahit nga girlfriend ni Knife hindi niya sinanto, eh! Ang dali niyang naipagpalit doon sa best friend! Hahahaha!" Napahinto na kaming lahat sa sinabi nila at humarap sa kanila.
"At di lang yun, tol! Itong si Fhara parang aso pa ring humahabol kay Knife! Desperada! Hahahaha!"
Handa na sana akong upakan yung lalaking iyon pero naunahan ako ni Tara at malakas siyang sinampal.
“Woah!" Sabi nung mga kasama ng blondie na sinampal ni Tara.
"Huwag kayong magsalita kung wala kayong magandang sasabihin." Seryosong sabi ni Tara sa kanila.
Ngumisi yung blondie.
"Bakit? Hindi niyo matanggap na nagpapakadesperada ang kaibigan niyo kay Railei?" Naiinis na talaga si Tara at ramdam kong mamaya sasabog na siya, pero bakit? Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.
"Ano bang nangyayari, Tara? Ano ba ang sinasabi nila?" Naunahan ako ni Bryan na magtanong. Napansin kong ngumisi na naman ang blondie na yun. Namumuro na talaga siya sakin.
"Bakit? Huwag niyo sabihing hindi niyo alam ang nangyari?" Tanong niya.
"Tumigil na sabi kayo!" Nagsalita na rin si Zymine. May tinatago ba sila sa amin?
"Ano bang sinasabi niyo?" Tanong na rin ni Yo. Mukhang katulad ko, naguguluhan na rin sila ni Bryan.
"Haha. Hindi niyo nga alam? Sige ikekwento ko--"
"Stop!" Ngumisi lang si blondie kay Tara pero pinagpatuloy niya pa rin ang sinasabi niya.
"Yang kaibigan niyong si Fhara, pinagpalit na ni Knife dun sa best friend niyang si Cheyene. Imbis na magalit, naghahabol pa rin siya kay Knife at inaalok siyang makipagbalikan. Naiinis na nga sa kanya si Knife, eh. Desperada. Tsk." Naitikom ko ang kamay ko. Ganun na pala ang nangyari pero wala pa rin kaming alam? Tinignan ko si Zymine at Tara. Si Zymine nakayuko lang. Si Tara naman galit na nakatinghin dun sa blondie.
"Kapag sinabi kong tumigil ka, tumigil ka!" Sinipa nang malakas ni Tara si blondie pero wala sa kanila ang focus ko ngayon. Iniisip ko ngayon si Fhara. Kasama niya ngayon yung ugok.
"Nakakailan ka na, ah? Hindi porket babae ka hindi kita papatulan!"
Susugudin niya na sana si Tara kaso naunahan siya ni Bryan at sinapak siya nito.
"Huwag na huwag mong sisigawan ang pinsan ko.”
Tsk. Away “to panigurado, pero wala ko sa mood makipag-away kasi iniisip ko si Fhara.
"Gago ka, ah?!” At nag rumble na sila. Tsk. Sabi na nga ba eh.
Tinapik ko si Yo sa balikat. "Kaya niyo na naman siguro yan. Puntahan ko lang si Fhara."
Tumangso siya kaya tumakbo na ko papasok ulit ng school at hinanap sina Fhara. Nakita ko sila sa tabi ng soccer field.
"Damn it! Bakit ba ayaw mong sumagot ng maayos?!" Naabutan kong sinigawan nung ugok si Fhara. Si Fhara naman nakatitig lang ng seryoso sa kanya. Nakinig lang ako sa gilid.
"Bakit ba ayaw mo pa rin kaming tigilan? Bakit ayaw mo pa akong tigilan?! Hindi na kita mahal! Bakit hindi mo nalang tanggapin yun at tumigil na sa kahibangan mo? Hindi na ko babalik sa iyo kahit ano pang gawin mo, kahit lumuhod ka pa sa harap ko ngayon. Si Cheyene na ang mahal ko. At pwede ba, huwag mo na rin siyang sasaktan, dahil sa susunod na marinig kong sinaktan mo na naman siya, baka makalimutan kong minahal din kita."
Teka. Sino ba si Cheyene? Ayun ba ang sinasabi nung blondie na best friend ni Fhara?
Napansin kong tumulo ang luha ni Fhara. Ngayon ko nalang ulit nakita yun dahil hindi niya yun basta-bastang nilalabas pwera nalang kung sobrang nasasaktan na siya. Naitikom ko ang kamay ko.
“Tigilan mo na yang pag-iyak mo, wala namang magagawa yan. Mas lalo ka lang nagmumukhang desperada. Hindi pa ba sapat sayo na niloko ka namin ng bestfriend mo? Imbis na maguilty ako kapag nakikita kita, mas nangingibabaw ang pagkainis ko, eh.” Hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko. Wala siyang karapatan na sabihin yun kay Fhara at higit sa lahat wala siyang karapatang paiyakin ito.
“Huling beses ko ng sasabihin to, tigilan mo na kam—.”
Hindi ko na siya pinatapos at sinugod na siya.
"Gago ka! Anong karapatan mong sabihin kay Fhara yun, ha? Alam mo ba kung anong mga pinagpalit niya para lang sayo?! Alam mo ba ha?! Wala kang alam kaya wala kang karapatan sabihin ang mga sinabi mo kay Fhara!" Bigla nalang yan lumabas sa bibig ko. Hindi pa ko nasiyahan sa ginagawa kong pagsuntok sa kanya kaya mas nilakasan ko pa at dinamihan.
“Tangina, sino ka ba?! Bakit ka nakikialam dito?” Bigla siyang umupo at hinawakan ang dalawang balikat ko at hiniga ako. Siya naman ang nasa ibabaw ko at sinusuntok ako. Malakas din pala tong ugok na to. Psh.
Handa na sana akong kumawala sa pwesto ko nang bigla siyang sinipa ni Fhara.
Nakita ko na lang siya na tumalsik sa malayo tapos tinulungan naman ako ni Fhara na tumayo pero maya-maya lumapit na rin siya dun kay ugok.
"Do you want me back?" Nagulat ako sa tanong niya kay Railei kaya napasigaw ako pero hindi niya ko pinansin.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na kita ma--" Hindi niya na pinatapos ang ugok at nagtanong ulit.
"I'll ask you again, do you want me back?"
"Ano ba, Fhara?" Tumayo na siya at nagpagpag. Halata mo ng galit na siya kay Fhara. Pero bigla siyang tumitig sakin. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo sakin."
Tss. Yabang!
Paalis na sana siya pero pinigilan pa rin siya ni Fhara.
"For the last time, do you want me back?"
"Psh." Desperada nga.
Inalis lang nung ugok ang kamay ni Fhara sa braso niya at nagbuntong hininga. "No."
Buti naman!
Nagulat ako ng biglang ngumisi si Fhara.
"Too bad for you. You lost those three chances I gave you. Pasensya na pero di na ulit kita bibigyan pa ng pagkakataon." Maya-maya pa binato niya na ko ng panyo at sinabihan pa kong scene stealer. Tsk. Pagtapos nun ay umalis na siya.
Nakita ko naman ang ugok na paalis na rin. Pero bago pa siya makaalis, nagsalita muna ako.
"Hindi mo alam kung sino ang pinakawalan mo."
Ngumisi ito.
"Bakit? Sino ba siya?"
"Isang tao na kapag nalaman mo kung sino, baka lumuhod ka pa sa kanya para sa isa pang pagkakataon." Sa pagkakaalam ko kasi lahat ng gangsters na lalaki pinapangarap siyang maging girlfriend.
Tumalikod na ko at iniwan na siya dun na nakakunot ang noo.
***
Bumalik ako kung saan ko iniwan ang apat pero na wala sila doon. Nakita ko lang dun ang anim na ugok na walang malay. Tsk. Mali kasi sila ng ginalit. Pumunta nalang ako sa parking lot at tama nga ko, nandoon nga sila pati si Fhara.
"Ang tagal mo naman, kanina pa kami naghihintay, eh." Sabi ni Zymine. Napansin ko ang mga sugat at pasa nila sa mukha. Malalakas nga siguro ang grupo ni Railei. Si Fhara naman nakasandal lang sa motor niya.
"Tara na." Sabi ko at lumapit sa motor ko na katabi ng kay Fhara kaya nakatabi ko siya. "Mag uusap pa tayo." Sabi ko sa kanya.
"Saka na." Tapos sumakay na siya sa motor niya at pinaandar na yun, sumunod naman kami sa kanya. Nadaanan namin ang grupo ni Railei at si Railei na isa-isang ginigising ang mga kagrupo niya. Nung dumaan kami, tinitigan niya lang kami ng masama.