-Sienna- Halos hindi ako makahinga dahil sa nalaman ko. Si Tyler nasa France? No. It couldn’t be him. Hindi pwedeng siya ang nagpadala ng painting materials sa akin. Dapat si Clyde. Si Clyde yun eh. Hindi niya lang maamin sa akin. “Earth to Sienna?” napalingon ako kay Brad nang ipinitik niya ang daliri sa harap ko. “Hindi ka na sumagot diyan? Parang ang lalim naman yata ng iniisip mo.” “Oh, I… I’m sorry. Ano nga ulit yung tanong mo?” “Kung close ba kayo ni Tyler. Bakit kilala mo siya?” “Oh, I’m sorry, pero di ba, ninong siya ni Clyde? Ipinakilala siya sa akin noong unang punta namin sa La Fortuna.” I said, my voice dropping. Hindi ko alam kung bakit bigla kong namiss si Tyler. “Okay.” sagot ni Brad at lumipat ng pwesto sa tabi ko. Sa sobrang lakas ng music, halos magsigawan na kami

