-Sienna- Pagkagising ko ng madaling araw, wala na si Clyde sa tabi ko, pero naiwan ang kanyang amoy at ang bakas niya sa kama. Lukot at bahagyang lubog ito, kung saan siya nahiga. He spent the night here holding me, and I smiled, hugging the pillow he used. Naiwan dito ang amoy ng kanyang shampoo at ang kanyang pabango. Dahan-dahan akong bumangon at saka nag-inat. Lumabas ako ng kuwarto, at binuksan ang bintana para sumilip sa labas. Umuulan, pero hindi gaanong malakas. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kotse ni Tyler na nakaparada sa may di-kalayuan. Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito? Don’t tell me, hindi siya umuwi kagabi! Naiinis na binuksan ko ang pinto at lumabas. Hindi alintana na manipis na pantulog lamang ang suot ko. Madaling-araw pa lang at madilim pa kaya wala

