-Sienna- Hindi pumasok si Valentina kinabukasan, at hindi rin ako sinundo ni Clyde kaninang umaga para ihatid sa banko. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa kanilang dalawa. Parang mga nananadya na ewan. Kagabi, nagtext lang sa akin si Val at binati ako ng happy birthday. Busy daw siya kaya hindi niya ako madalaw sa apartment ko. Hinihintay kong magtext o tumawag man lang si Clyde, pero hindi niya talaga ako naalalang batiin. Mukhang masama pa rin ang loob niya sa akin dahil sa pag-aaway namin noong isang araw. Nag-undertime ako dahil hindi ko kayang magtrabaho. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Ang dami kong iniisip, at ang daming bumabagabag sa akin. Ala-una na ng hapon ako nakarating sa bahay. Pagkatapos kong magbihis, ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa kama. Pagpikit

