Pupuntahan ko na lang si Lander sa farm niya para personal na naman na mag sorry sa ginawa ng dati kong asawa. Ewan ko ba sa dalawang lalaking yon na kung bakit lechon baboy lang ang usapan ay umabot sila sa kung saan-saan. Pati ang nanahamik na paghihintay ko sa pagpapawalang bisa ng kasal namin ni Jeofferso ay nakalkal pa ng hindi oras. Kung bakit naman din kasi pinatulan nitong si Lander, e alam niya ng makitid ang utak ng tatay ng mga anak ko. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jeofferson ng makita akong lalabas ng bahay. At kailan naman nagkaroon ng karapatan ang lalaki na ito na tanungin ako kung saan man ako papunta? Parang bigla yata siyang naging concern? "At bakit kailangan mo naman na malaman kung saan ako pupunta?" masungit kong tanong. Kung umasta siya sa kanyang tan

