"Miss Irene, makakalabas ka na at makakauwi na sa inyong bahay," Tumayo agad ako ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Ngunit nabuhayan ako ng loob nga malinaw na sabihin sa akin makakauwi na ako. Bantulot man na kumilos dahil sa mga katanungan na nagsisilambayan sa utak ko ay agad akong lumabas sa likod ng mga bakal na kanina lang ay para akong tinangalan ng kalayaan. Takot na takot ako kanina ng sabihin sa akin kung ano ang kaso ko dahil nakakatakot naman talagang paratangan ka bilang mamamatay tao. Pero mas natakot ako ng sabihin kung sino raw ang pinatay ko. Si Senyora Juana. Kung nagawa ng taong yon na ipakulong ako kahit wala naman akong ginawang kasalanan ay mas kinabahan ako sa maari niyang gawin sa farm at sa buong villa. Wala akong ibang inisip kung hindi si Dani. Mabut

