ALEXIS ALEJO
"He wants me to handle his case."
Nangunot ang noo ko. So, mismong si Ninong Hans ang kumuha ng serbisyo ng Agency, but why he directly asked Boss Kevin?
"And... he knows that there's someone who wants him dead."
Nanlaki ang mata ko sa narinig! What the!
"Ano po ang ibig niyang sabihin na alam niyang may papatay sa kanya?!" bulalas kong tanong.
"But before I tell you that, I would like to talk about your father's death first," ang pormal nitong sabi. "According to Nuviez, hindi naman niya gustong patayin ang iyong ama."
Lihim kong naikuyom ang aking kamao ng marinig ang pagkamatay ni papa!
Bwisit! Wala siyang intensyon?! Talaga?! Kung ganoon ano pala ang ginawa niya kay papa?!
"Nalaman daw kasi ng papa mo ang tungkol sa pagkasangkot ni Nuviez sa assassination kay Vice Pres," dugtong ni Boss.
Lalong nanlaki ang mata ko sa pagkagimbal sa aking narinig! The hell! That means hindi lang ang dalawang iyon ang talagang may pakana ng assassination— may iba pa silang kasabwat at kasama na nga roon si Ninong Hans? Pero bakit? Bakit ginawa iyon ni Ninong?
"Nang malaman iyon ng ama mo ay sinabi nitong isisiwalat nito ang lahat, he begged him not to say anything dahil kapag nalaman iyon ng lahat, hindi lamang silang dalawa ang mapapahamak, subalit nagmatigas ang ama mo, kaya naman ay nagawa niyang patayin ito upang pagtakpan ang nangyari ngunit hindi niya inaasahan na mayroon palang magiging testigo."
"Hah! Kaya wala na siyang nagawa ganoon ba." Gigil kong anas kahit na pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"But before he triggered the second and third shots, isang mensahe ang ipinarating ng iyong ama," tumigil sa pagsasalita si Boss nang mangunot ang noo ko dahil sa may isang papel itong kinuha mula sa drawer.
Iniabot iyon ni Boss sa akin na agaran ko rin namang kinuha.
"Sinulat ni Nuviez ang huling mensahe ng iyong ama."
Nanginginig man ay binuklat ko ang papel kasabay ng pag-ahon muli ng sakit...
Mahal na mahal ko kayong lahat na kahit mawala man ako ngayon, alalahanin niyong naririto lamang ako sa tabi niyo. Parati niyo akong kasama...
Muling umagos ang luha ko matapos kong mabasa ang maikling mensahe ni papa...
"Papa..." bulong ko.
Tahimik lamang si Boss na nakamasid sa akin tila ba hinahayaan niya muna ako. Ilang sandali lang ay pinahid ko na ang mga luhang umagos sa aking pisngi at muling tumingin kay Boss.
"Salamat po, Boss Kevin."
"Dapat ay noon ko pa ibinigay iyan sa iyo, ngunit dahil naging masyado kang emosyonal ng araw na iyon— hindi ko na nagawang iabot pa sa iyo."
"Huwag kayong mag-alala Boss, nauunawaan ko ang sitwasyon niyo," huminga ako ng malalim pagkatapos ay muling naging pormal ang mukha ko kahit patuloy pa rin ang sakit sa puso ko sa sinapit ng aking ama. "Then can we proceed now, Boss?"
Bahagya naman itong tumango.
"Well, then, about Nuviez— may sinabi si Nuviez sa akin. Pangalan ng isang organisasyon."
Nagtataka ako sa sinabi nito. Organisasyon?!
"Black Dragon Organization."
Napasinghap ako sa aking narinig. Black Dragon Organization— ang organisasyong binanggit noon ni Nathan!
"Ang sabi niya nanggaling ang mga hired killers na iyon sa isang Organisasyon, at isang mataas na opisyal sa gobyerno ang kumuha ng serbisyo ng mga ito. Ngunit hindi niya tinukoy kung sino dahil maging siya ay wala ring alam kung sino ang opisyal na iyon dahil may middleman ito na inutasan upang makausap siya. Napag-utusan lang siya na maging gabay ng mga killers na iyon dito sa Cebu at sirain ang mga ebidensiyang makukuha kung sakali man kapalit ang malaking halaga. May ilang ebidensiya mula sa cctv ng hotel na tinuluyan ng mga killers, nang sirain iyon ni Nuviez, iyon ang nakita at nalaman ng ama mo—"
I have now the idea of why—why he needs to kill my father. Sa isiping iyon ay lihim kong naikuyom ang aking kamao.
"—Wala siyang ibang choice kundi ang patayin ito since nagmatigas ang iyong ama na ibubunyag ang nalaman at bukod rin doon oras na may makaalam ng nangyari at nabunyag ang organisasyon —hindi lamang siya at ang ama mo ang mapapahamak— kundi maging ang kani-kanilang pamilya. Nang ituro siya ng testigo, alam ni Nuviez na hindi siya bubuhayin ng organisasyong ito dahil iyon ang parte ng kasunduan," he paused and looked at me. "That's the whole story behind Nuviez and your father's death, Agent."
Natapos na si Boss sa pagsasalita ngunit ako tila kasalukuyan pa rin iyong pinoproseso ng utak ko! Ibig sabihin, nadamay lang ang ama ko para lamang mapagtakpan ng mga kriminal na iyon ang krimen nila?! At kung ganoon, that time— nang makita namin si Ninong Hans, ibig sabihin he knows someone will come to kill him? Ngunit bakit hindi niya iyon sinabi? Bakit hinayaan na lamang— naalala ko ang sinabi ni Boss na may kasunduan sila ng organisasyon. Ang kasunduan na kapag nahuli siya, he will die kapag nagsalita siya— madadamay ang pamilya niya.
Natawa ako ng pagak pero agad ding nagtagis ang ngipin ko at ikinuyom ng mariin ang aking kamao.
"Alex, alam kong nagngingitngit sa galit ang puso mo ngayon subalit you must always remember, you are Agent Alexis Alejo," makahulugang ani ni Boss.
Napatitig ako sa kanya, pagkaraan ay kinalma ang aking sarili at tumango.
"Sorry, Boss, to think lang po kasi na nadamay lang ang aking ama dahil sa kanyang natuklasan. Nakaramdam ako ng awa para dito at nasaktan din sa kanyang sinapit," nagpakawala muna ako ng marahas na buntong-hininga.
"I know, Alex." Marahas na napabuntong-hininga si Boss Kevin. "Sa ngayon kasalukuyan pa ring nag-iimbestiga ang team nina S/Insp. Reyes kasama ang team ni Jaime upang alamin ang tungkol sa organisasyon na iyon. Ngunit kung isang mataas na opisyal ang kumuha ng serbisyo nila, ibig sabihin, nasa paligid lamang iyon ni Vice Pres."
"I know someone who knows this organization, Boss."
Na ikinakunot ng noo nito at nagtatanong ang mga mata. Though everyone knew Nathan's fake identity and that he came from an organization, he didn't mention its name. And I haven't told them either...
"Who?"
"It's one of our former, Agent." ang pormal kong sabi na lalong ikinakunot nito ng noo. "Si Agent Nathan po."
Napatayo ito sa kinauupuan.
"Nathan? He didn't name— I know he was from an organization ngunit kahit anong pilit naming paaminin siya ay hindi siya nagsasalita tungkol dito. That means this organization has already infiltrated our agency using Nathan. They've been all killers, and the last thing they needed was broad information from our agency."
Muli siyang napabaling sa akin.
"Did he tell you about this organization? What do they do? Or if there is another spy inside?"
"He did mention the name, but he said he wouldn't give more details about them. The last thing he said is that they are dangerous."
Marahas itong nagpakawala ng buntong-hininga bago muling bumalik sa kinauupuan.
"We don't have any idea about them or where we can find their base."
"Let me talk to Nathan again, Boss. I will make him talk." I suggested.
Nag-isip sandali si Boss. Pagkaraa'y tumango.
"Ok, Alex. Do everything you can to get an answer from him about this organization."
"By the way, Boss. Naicoordinate na rin po ba sa NBI ang tungkol kay Tito Hans?" mayamaya ay tanong ko.
Umiling ito. "Kahit umamin na sa akin si Nuviez, there is no solid proof na pwedeng ibigay kahit pa may recording ako sa pag-uusap namin ni Nuviez but since wala na rin si Nuviez, hindi iyon magagamit na matibay na ebidensiya. Isa pa, magke-create lamang iyon ng chaos sa palasyo kapag nagkataon, at maaalerto lamang ang sinumang opisyal na iyon," napabuntong hininga na lamang si Boss." So, bukod sa pagiging bodyguards ng Vice Pres. I also gave Abet's Team a secret mission, to investigate who is that official. Kung may makita silang nakakapagduda, they will immediately report to me."
Nagpatango-tango ako. May punto naman si Boss, wala pang sapat na ebidensiya kung sino ang opisyal na iyon. Tsk! Anong klase ba ang taong iyon at nagawa pa talaga niyang kumuha ng serbisyo ng isang professional killers!
"I also have bad news about that male assassin who tried to kill the Vice President," ang sabi pa nito. "He's dead."
Naumid ang dila ko sa narinig! "Dead? Paano iyon nangyari? Akala ko po ba naging stable na siya?"
"Yes, naging stable na ang kalagayan niya nang ilipat siya sa manila. Still kapag may pagkakataon siya ay tinatangka niyang tapusin ang sariling buhay niya kaya talagang bantay-sarado siya. Subalit natagpuan siyang patay isang gabi— he was killed."
Nanlaki ang mata ko. Pinatay din siya? Kung sino man ang may pakana ng lahat ng iyon o kung sino man ang nasa likod ng assassination ni Vice-Pres., sinisiguro niyang magiging malinis ang lahat!
"At katulad ng pagpatay kay Nuviez, wala ring lead ang pulisya. May hinala na kami na iisa lamang ang may pakana ng pagpatay sa kanila, at upang masiguradong malinis at walang magtuturo sa kung sino man ang nasa likod nito— that Black Dragon Organization," seryoso nitong pahayag.
Napailing ako. "It seems na kahit sarili nilang tauhan ay kaya ring tapusin ng organisasyon huwag lamang matuklasan ang tungkol sa kanila."
"Tama ka roon. Hindi madaling kalaban ang organisasyon na ito hanggang wala pa silang mga mukha. They know our every move, but we don't know who they are or if we have already encountered them. We need to be careful." ang tila pagod na itong mag-isip pa sa isang bagay na hindi madaling solusyunan kaya napasandal na lamang si Boss sa kanyang upuan.
"We will soon find information about them, Boss. Kung wala man akong makuhang sagot kay Nathan, makakaasa kang makakakuha pa rin ng mga impormasyon ang ating mga agents." I smile to give him assurance.
"I know."
Muling naging seryoso ang tinging ipinukol nito sa akin ng magtaas ito ng tingin.
"And Alex, I think it is right for you to know the real reason behind the plane crash— ang eroplanong sinakyan ni Terrence."