ALEXIS ALEJO Three days later... Tatlong araw ang lumipas na hindi ako nag-abalang tingnan si Terrence kahit pa minsan ay nagkakasalubong kaming dalawa. Oo, binabati ko siya sa kadahilanang anak siya ng employer namin, but that's it. Tinikis ko ang sarili ko na tingnan siya o kahit ang sulyapan man lamang siya. Mas ayos na rin 'yon para makaiwas sa gulo kahit pa tila hinihiwa ng pinong-pino ang puso ko. Kailangan kong isipin na iisang dahilan lang kung bakit ako naririto. Iyon ay ang protektahan ang pamilya nila— ang protektahan siya. Masakit ngunit kelangan ko kontrolin ang emosyon ko ngayon. Mahirap subalit kelangan kong pilitin ang sarili kong gawin ang dapat ay tama. Lihim na lamang akong napabuntong hininga, at tinanaw ang tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nang araw na iyo

