TERRENCE ALTAMONTE Napanganga ako nang si Alex ang malingunan ko! "A-anong ginagawa mo dito?" maang kong tanong, and too late to realize kung bakit ganoon pa ang tanong ko. I didn't do it intentionally! Ang akala ko ay si Hanna ang nahila ko! Sinamaan ako ni Alex ng tingin sabay tabil niya sa kamay ko. "Kung hindi ka ba naman kasi idiot, sana tinignan mo muna kung sino ang hinihila mo!" angil niya sa akin. "Tapos tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko dito?! Do you really want me to give you a punch, huh?!" asik niya. Nabigla ako sa sinabi niya kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. "Sana nagsalita ka at sinaway mo ako!" ganting angil ko rin sa kanya. Hindi namin alintana ang mga taong nakatingin na sa amin dahil sa pagsasagutan naming dalawa. "Hah! Ako pa talaga ngayon ang m

