Muling nagdaan ang dalawang linggo. Ngayon ay nakalabas na ako ng hospital. Masasabi kong alagang-agala ako nina Mommy at Ate Katel. . . Masaya ako dahil tanggap nila ako. Pakiramdam ko tuloy ay buhay Prinsesa ako. ‘Yong tipong idudulog na sa akin lahat ng pagkain ko. . . Ang hindi ko pa nakikita ang aking Ama. Para kasing walang binabanggit si Mommyn tungkol dito. Gusto ko sanang magtanong kaya lang labis akong nahihiya. Panay rin ang tanong sa akin ni Mommy kung sino ang dumukot sa akin. Ang tanging sinabi ko ay may takip ang mukha nila. Hindi ko sinabi ang totoo. Dahil ayaw kong madamay sila sa aking problema. Hindi ko hahayaan na mapahamak anno ko. Ngunit nangako ako sa aking sarili na babalikan ko ito kapag kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili. Napatingin naman ako sa mga lap

