Page 6 of 14 Hindi ko lubusang maisip kung bakit ayaw ko na umalis si El. Gusto ko ay parati ko lang siyang nakikita. Inisip ko pa nuon, dahil siguro nais ko pa siyang matikman, yung bang gising siya. Gusto ko na matutulog ako na makikita ko siya, gigising ako na makikita ko siya. Gusto ko na lagi ko siyang kasama. "sigurado na ba pag-alis mo El?" tanong ko sa kaniya, nag-aayos siya dahil papasok na siya sa kaniyang trabaho. "oo Neth. Pero, pag-sahod ko na next week. Nakakahiya naman kasi na tumuloy kami dun ni Mell ng wala man lang akong naabot na halaga." sabi niya. Isinusuot niya ang kaniyang medyas. "hay." napabuntong hininga ako ng malakas kaya napatingin siya sa akin. "wag ka mag-alala, magkikita parin naman tayo. Pag di ako busy, yayayain ko si Mell na lumabas tayong tatlo." "

