Wholesome episode po muna tayo.. bago matuloy sa higaan ang aking kwento..
Ikikwento ko muna ang simula ng kanilang relasyon.
Grade 6 student ng una magkakilala si mel at aix..bagong lipat lang si aix sa section nila at nagkataon na sa seating arrangement nila,magkatabi silang dalawa.
Masungit pa si mel sa kanya non,palibhasa bago lang siya sa section nila.
Pero sa lahat ng boys sa section nagkacrush na agad si aix dito .wala siyang pinagsasabihan habang tumatagal at naging kaibigan na niya lahat ng bagong classmate at nadiscover niyang may crush din pala si mel hindi sa kanya kundi sa kaibigan niya..kung kayat lalo niyang tinago ang nararamdaman niya hanggang sa makagraduate sila..
Pagpasok nila sa high school, nagulat si aix ng makita niya sa 1st day of school si mel at mga kaibigan nila,un nga lang hindi sila naging magkaklase .,pero naging malapit parin sila sa isa't isa ..
Masyadong masungit si Mel pagdating kay aix , kasi sa paningin niya mataray , maingay,magaslaw kumilos at lapitin ng mga lalaki, minsan nakikita din niyang may inaaway iton, kung kaya't madalas naasar siya.. masyado rin itong maingay lalo na pag nagkikwentuhan kasama ang mga kaibigan nito, kabaligtaran sa ugali niya
Si Mel kasi ung lalaking tahimik, athlete ng school,hindi matalino pero nag aaral ng mabuti ..K
Kaya'tpihikan siya pagdating sa babae ,gusto niya yung tipong tahimik at hindi nakikipag away,mahinhin kumilos kabaliktaran ng ugali ni Aix. Lagi lang niya talagang napapansin at nababantayan ang mga kilos ni Aix, kung anong dahilan hindi niya alam .. basta tuwing makikita niya ito hindi niya napapansin na nakatitig na pala siya..
Hanggang sa mag 3rd year h.s. na sila hindi niya namalayan na nagkakagusto na pala siya kay Aix ..
Isang beses napasama siya sa mga friends nila nag magkaakitan na pumunta sa birthday ni aix dahil birthday nito.. sumama naman si mel dahil malapit lang naman ang bahay nito sa kanila .
Pagdating sa bahay nila aix napansin niya na iba ang kilos nito pagdating sa bahay nila.. kabaliktaran sa nakikita niya pag nasa school ito,. Lalo na pag nasa paligid namin ang nanay niya , kung titingnan ang mama niya parang ang sungit sungit .. kaya siguro ganun siya sa school, parang nakalaya sa hawla kung kumilos pero hindi naman bastusin, strong at masungit nga siya sa paningin ng mga co students namin maraming takot sa kanya ..
Di ko namalayan na nakatitig lang pala ako kay aix. Kung hindi pa ko siniko ni Keven hindi ko mamamalayan ..
Dun na ko nagstart makaramdam ng kakaiba para kay aix ,. Hanggang sa maglakas loob na nga akong manligaw sa kanya nung malaman ko na wala na siyang boyfriend .
At kung siniswerte ka nga naman. May gusto din pala sakin ang babaeng gusto ko, 1st time kong manligaw kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.kaya kung anong sabihin lang ni Aix at kaya ko un ang ginagawa ko..hanggang sa makilala ko pa lalo siya, hindi naman pala siya nakakainis , ayaw ko lang siguro dati yung mga kilos niya .. pero nung nagustuhan ko siya nag iba din ang tingin ko sa kanya, natanggap ko ag ugali niya. Masaya pala siyang kasama , lalo na pagtumawa siya,nadadala ako sa tunog ng tawag niya na may kasamang paghampas pa sa braso kaya mapapareact ka talaga ..
May event ngayon sa school namin , may bisita daw na artista ang narinig ko lang eh si bangs Garcia di ko alam kung sino pa ung iba ,. Sigurado ako makikisiksik dyan si aix, kasi ang mga babae mahilig sa mga ganyan eh .ang dami ng tao sa ground ,hahanapin ko muna si Aix para may kasama siya habang nanonood .. pero di ko siya makita kaya pumunta nalang ako sa room nila ..at ayun nga ang mahal ko,nakaupo lang sa loob tinitingnan yung mga studyantte na nagsisiksikan sa ground kaya lumapit ako sa kanya..
"Aix,bakit nandito ka? Ayaw mo ba manood sa labas? Gusto mo samahan kita?". Tanong ko sa kanya.
"Ayaw ko ,di naman ako mahilig sa artista ,mapapagod lang ako kakatayo.". Sagot naman nito..
Iilan lang kami sa classroom nila halos lahat nasa labas ..umupo ako sa tabi niya,tahimik lang si aix,mukang iba ang mood niya ngayon,may time kasi na tahimik lang to,hindi makausap kasi mabilis mapikon,eto ung mood niya na walang makapagbiro sa kanya ,kasi lumalabas ang kamalditahan niya ..
"Aix ok ka lang ,gusto mo bili ako ng meryenda?" Tanong ko naman
"Wag na ,ok lang ako, nakakatamad lang ,dapat pala di nalang ako pumasok' sagot ni aix..
Di na ko umimik, nakaupo lang ako sa tabi ng chair niya,tahimik lang kami pareho,biglang pumaSok si sheryl at tumingin sa amin..
"Oy,may love birds pala dito,antahimik nio naman,. " Sabi ni sheryl isa sa close friend ni Aix
Ngumiti lang si aix kay sheryl at tumingin sa akin..
"Aix sinagot mo naba si mel?, Kayo na ba?" Tanong pa nito..
"Huh? Wala naman siyang tinatanong ,anong sasagutin ko?" Nagtatakang tanong ni aix ..
Napakamot naman ako sa ulo,parang nacorner ako ng kaibigan niya .. di ko alam kung anong gagawin ko...
"Ano Mel, di ka naman pala nagtatanong pano ka sasagutin ? Sabi ni sheryl sakin..
Tumingin ako sa mga mata ni Aix na nakatingin sa akin..
"Ahm, Aix pwede ba kitang maging girlfriend? " Pabulong kong sabi ,.medyo maingay na sa labas kasi start na ng event ..
"Anong sabi mo?? Pabulong bulong ka dyan"Tanong ni aix,. Sungit nito..
"Sabi ko kung pwede ba kitang maging girlfriend??" Napalakas ang pagkakasabi ko..
Biglang may nagsigawan sa labas ng room nila ,.. na nagchee cheer sa akin pati mga kaibigan ko.. kaya nagulat ako...
"Oo nga ,sinasagot na kita,. Ang ingay mo " sagot ni aix at napayuko..nailang ata sa mga taong nakatingin samin..
Tahimik lang ako at nakatitig sa kanya di pa ko makapaniwala...
Ilang seconds pa ,
Napahawak ako sa kamay ni Aix,di ako makapaniwala,dapat pala nung mga nakaraan pa ko nagtanong..hahaha..
"Seryoso kaba? Sinasagot mo na ako? Girlfriend na kita??" Naniniguradong tanong ko..
"Gusto mo ba bawiin ko?" Masungit na naman siya..
"Syempre hindi, thank you love.." sagot ko naman..
"Aba at may tawag kana agad, prepared ka po?" Sagot naman nito..
Napakamot ako sa ulo, un kasi ang lumabas sa bibig ko eh.. un na ung naiimagine kong itawag sa kanya pag naging kami .
" Ayaw mo ba nun??" Tanong ko naman,
"Ok lang naman, di lang ako sanay, " at ngumiti siya sa akin..
Tahimik nalang kaming dalawa ,hanggang sa matapos ang event sa school at pauwiin na kami .hinatid ko muna siya sa bahay nila,tsaka ako umuwi sa bahay ..
Sinabj ko agad kay mama na may gf na ako,. Hindi naman siya nagalit basta mag aral daw muna ng mabuti ..
After a month tsaka lang ako pinakilala ni Aix sa parent niya,natakot pa ko nung una sa mama niya pero mabait naman pala si tita,medyo strict lang ,..
Di naman kami nag aaway ni aix ilang months na kami . Tinatandaan ko kasi mga moods niya ,para alam ko kung pano ko siya kakausapin .. mabait naman siya ,medyo iba lang talaga siya mag isip minsan parang bata ..
Nakakapunta narin ako sa bahay nila kahit ilang oras lang , kaya nadiscover ko na wala pala siyang alam sa gawaing bahay .. magkabaliktad kami, kasi minsan ginagalitan siya ng mama niya eh na matuto daw mag linis .. soon, tuturuan ko siya ,para kahit san siyaa mapunta ,meron na siyang alam..
Ang relasyon namin ay legal sa pareho g pamilya namin, un kasi ang turo sa akin ng mama at papa ko, igalang ang mga babae ,at wag makikipagkita sa kanto dapat sa bahay ng babae, para makita ng magulang at hindi kami pagalitan...
Kaya natutuwa din samin ang mama niya . At may tiwala sila sa akin ... Para sa anak niya..
Thank youfor reading this chapter ..