Esha "Kian, anong balita diyan sa atin? Kumusta ang pinaasikaso ko sayo?" Inquire ko sa kanya. Gusto kong malaman ang standing ng kaso at investigation niya. "Kasagsagan ng election ngayon. At alam mo naman kapag election maraming lumulutang na issue. Napag alaman ko na ang Tito Jet mo, he will run for Governor at kakalabanin niya si Gov. Henry Vasco. Then binuhay naman ang issue about sa pamilya mo." Nagtataka ako kasi matagal ng umalis sa pulitika si Tito Jet. Siya ang matandang kapatid ni papa. "Do you know what's the reason why gusto niyang bumalik sa pulitika?" "Gusto niyang kunin pabalik ang pagiging bearer ng pamilya Ramoza sa Tito Rick mo. Alam na kasi ng buong angkan na nagtraydor si Rick sa buong Ramoza by having an alliance with Henry Vasco." "Sa katagalan ng panahon ngayo

